Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paloma, ‘di nagpakabog kay Pia

012716 coco martin pia wurtzbach

00 fact sheet reggeeNALOKA kami kay Coco Martin alyas Paloma sa aksiyon seryeng FPJ’s Ang Probinsyano dahil nakikipagsabayan kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Kung panay ang rampa ngayon ni Pia, panay din si Paloma para mahuli kung sino ang nasa likod sa mga dumukot sa mga babae para ibenta at ang latest nga ay sumali na sa beauty contest sa barangay nila.

Hindi kasi mahuli ni Cardo (Coco) si Lola Gets este Olga (Gina Pareno) kaya kinailangan niyang magpanggap na babae.

Pagkatapos madukot si Bela Padilla (Carmen) ay dinukot na rin si Dawn ng PBB 737 na nagtatrabaho sa department store kaya nagsuot na rin ng uniporme si Paloma bilang sales lady.

At sa episode ng Ang Probinsyano noong Lunes ay tawa kami ng tawa dahil akala namin ay simpleng long gown lang ang isusuot ni Paloma, abay dinaig niya si Pia sa head dress niya at kulay ginto pa kaya talbog ang koronang Blue Topaz ni Miss Universe.

Sino ba ang peg ni Coco sa pagiging babae niya?

Anyway, napapanood na kaya ni Julia Montes si Paloma? Parang masarap hingan ng komento ang Doble Kara star tungkol sa rumored boyfriend niyang si Coco.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …