Saturday , November 23 2024

Katarungan para sa SAF 44

EDITORIAL logoDAPAT iwaksi ng mga mambabatas ang politika sa reinvestigation ng Mamasapano incident.

Pinakamabuti na magkaisa ang mga mambabatas sa paghahanap ng katarungan para sa 44 Special Action Force (SAF) commandos na napaslang sa malagim na trahedya.

Sabi nga ni Senador Bongbong Marcos, hindi dapat maging partisan issue ang Mamasapano massacre tulad ng paratang ng ilang kampo.

Ang ultimong layunin nito ay maigawad ang katarungan sa 44 SAF commandos.

Ani Marcos, “Dapat maintindihan ang trahedya para makamit ang katarungan at masiguradong hindi na ito mauulit.”

Sana nga ay ganito rin ang nasa isip ng mga mambabatas na papasok sa reinvestigation ng Mamasapano incident.

Alam natin na maraming desmayado lalo na ang pamilya ng mga biktima sa pagsasara ng imbestigasyon nito noong nakaraang taon.

Kaya ang muling pagbubukas nito ay maaaring pagkakataon para malaman ng publiko ang tunay na pangyayari sa Mamasapano incident.

Kung mayroon man dapat parusahan para maigawad ang katarungan sa SAF 44, pinakamabuting hindi ito mahaluan ng kulay-politika.

About Hataw News Team

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *