Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia, ikinokonsidera rin sa Darna

012316 julia montes
KASAMA si Julia Montes sa gusto ng netizen na gumanap bilang Darna dahil bagay din daw bukod siyempre kina Angel Locsin, Liza Soberano, at Nadine Lustre.

Oo nga, puwede naman talaga, kaso maputi si Julia katulad ni Jessy Mendiola na inayawan na ni Direk Erik Matti kasi nga sobrang Tisay, eh, ang hinahanap na Darna ay Pinay ang features kaya nga pasok sina Liza at Nadine kung sadyang hindi na puwede si Angel.

Samanala, mas magiging mainit ang laban nina Kara at Sara para sa kanilang karapatan ngayong nasa panig na ni Lucille (Carmina Villarroel) ang inaakala nilang kaibigan na si Alex (Maxene Magalona) sa umeereng kuwento ngayon sa Doble Kara.

Sa tulong ni Alex, isa-isa nang naisasakatuparan ni Lucille ang kanyang mga plano laban sa kambal at isa na nga rito ang pagsali ni Sara sa isang networking business.

Lingid sa kanyang kaalaman ay pakana lamang pala ito lahat ni Lucille na patuloy na gagamitin ang pagiging gahaman sa pera ni Sara upang mabawi ang lahat ng kanyang minana mula sa ama.

Ano kaya ang gagawin nina Kara at Sara ‘pag nalaman nilang kasabwat pala ni Lucille si Alex? Mapagtagumpayan kaya ni Lucille ang kanyang mga plano?

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

( REGGEE BONOAN )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …