Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Raymart at Claudine, magsasabihan ‘pag may-BF-GF na

012116 claudine barretto raymart santiago

00 fact sheet reggee“WALA nang balikang mangyayari, pero

maganda ang relasyon namin ngayon,”ito ang sabi ni Claudine Barretto tungkol sa kanila ng asawang si Raymart Santiago.

Hindi raw matatawag na ex-husband ng aktres si Raymart dahil hindi pa naman annulled ang kasal nila at mukhang hindi na mangyayari dahil ipinatigil nila ito dahil magastos at maganda ang samahan nila ngayon.

Ito ang naging topic sa presscon ng teleseryeng pagbibidahan ni Claudine na prodyus ng Viva TV na mapapanood naman sa TV5 simula sa Pebrero 15 mula sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Ayon pa sa aktres, napag-usapan nila ni Raymart na itigil na ang pagpapa-annul nila ng kasal alang-alang sa mga anak nila.

“We are really good friends now. We are really trying to be good parents so napag-usapan namin na stop muna lahat-lahat ng mga kaso at mag-co-parenting na lang sa pagpapalaki sa mga anak namin,” sabi ng aktres.

Dagdag pa, ”sobrang solid talaga kami ngayon when it comes to our kids.”

Wala naman daw planong muling magpakasal pa sina Claudine at Raymart sa iba kaya okay sa kanila na itigil na ang annulment at mga anak na lang nila ang unahin.

“I’m very very happy kasi happy na ‘yung kids. So, kapag nag-jump kami sa annulment ngayon mabubuwag ‘yung foundation na ‘yun. Kasi mapag-uusapan na naman, magastos din siya!” nakangiting paliwanag ng aktres.

At may usapan daw sila ni Raymart na in case may girlfriend o boyfriend na siya ay sasabihin nila para aware ang isa’t isa.

Samantala, bukod kay Claudine ay kasama rin sina Diether Ocampo, Dindi Gallardo, Samantha Lopez, Bernard Palanca, Meg Imperial, at Cesar Montano, sa Bakit Manipis Ang Ulap?.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …