Friday , November 22 2024

Allowance ng MPD ibibigay na mismo ni Erap

021614 ERAP BINAYMULA ulo hanggang paa, sinabon ng alkalde ng Maynila ang isang opisyal ng Manila Police District nang magreklamo ang mga lespu na napako ang pangako ng alkade sa natitira nilang allowance nakaraang bagong taon.

‘Yan ang magandang balita zsxna ipinarating sa atin ng ilang matitino nating kaibigan pulis sa MPD.

Sa Flag Ceremony sa Manila City Hall ay inianunsiyo ng alkalde na sa darating na Biyernes ay kanyang ibibigay ang natitirang P10,000.00 allowance ng MPD personnel.

Nagsipagpalakpakan at naglulundag sa tuwa ang may 3,000 pulis ng Manila Police District sa tinuran na ‘yun ni Yorme Erap.

At siya pa raw mismo ang magbibigay ng kanilang natitirang allowance upang di na ito ma-magic .

Nabuking din ang isang opisyal ng MPD na kung tawagin ay alias ‘Kernel Boy Gulpe’ ang siya palang naatasan ni Mayor Erap na mamahala sa allowance ng mga pulis nitong nakaraang Pasko.

At dahil sa hinaing at pag-iingay ng mga pulis MPD sa media ay nabuking ng alkalde na iniipit pala ng kanyang inatasan na opisyal (boy gulpe/boy kupit) ang nasabing allowance ng mga pulis.

Kaya naman kinastigo at sinabon ang naturang MPD official at agad binawi ang nasabing pondo para siya na mismo ang magbigay ng allowance sa darating na Biyernes sa Bulwagan ng Manila City Hall upang masiguro na matatanggap ito ng mga pulis ng MPD.

Sa totoo lang, tayo’y natutuwa sa aksiyon na ito ni Erap.

Sana ‘yun naman mga notoryus na kolektong sa vendors, bagman sa mga ilegal na sugal at illegal terminal sa Plaza Lawton ang sunod na sampolan ni Erap.

Pwede ho ba Yorme!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *