
Ang Ningning ang big break ni Ria sa acting at hoping siya na may kasunod na offer sa kanya dahil ito talaga ang pangarap niya, sundan ang yapak ng mommy Sylvia at kuya Arjo.
Pero ang daddy Art Atayde niya ay gustong-gusto naman siyang maging newscaster at TV host.
“I’m open naman po to anything like if there’s any offer naman, OK. But as of now, ay focus po kasi ako sa acting,” say ni Ria.
At gusto nga raw ni Ria na makasama sa project ang mommy at kuya niya.
“Pero sabi po ni mommy, bago kami magsama-samang tatlo, dapat daw po ay mahasa muna ako sa acting, pero in terms of work, anything lang po, really,” sabi ni Ria.
Hindi naman maitatangging matagal ang paghihintay ni Ria bago nagkaroon ng serye kaya sa tanong kung mahaba ang ang pasensiya niya, ”it depends po, really. Kasi ayaw ko po ng walang ginagawa.”
FACT SHEET – Reggee Bonoan
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com