Inalam nina Mar at Korina ang sitwasyon ng mga biktima ni Nona at hindi naman ibinalita kung anong tulong ang ibinigay ng mag-asawa, pero base sa litrato ay masayang-asaya ang mga taga-Mindoro.
Mula noong pasukin ni Mar ang politika at lalo na ngayong kakandidato siyang Presidente sa Mayo 2016 ay malaki na ang nabago sa lifestyle ni Korina na dati-rati kapag holidays ay nagpapahinga lang siya o nagre-recharge para sa susunod nitong tapings ng Rated K.
Hindi na ito nagawa ng mag-asawa dahil kailangan nilang unahin ang mga kababayang nangangailangan.
May wish si Korina para sa 2016, ”And before the first day of 2016 ends, let me wish the end of violence, corruption and deception. The beginning of kindness, fairness, rule of law, life, health and victory to those who, in God’s unbiased, loving and just Eyes truly deserve. Happy New Year Pipol!”
FACT SHEET – Reggee Bonoan