Monday , December 23 2024

Sen. Bongbong Marcos hinikayat si PNoy na lagdaan ang retirement benefits ng barangay officials

00 Bulabugin jerry yap jsyISANG hindi malilimutang legacy ng kasalukuyang administrasyon kung malalagdaan ang Senate Bill No. 12 na naglalayong mabigyan ng retirement benefits ang mga kuwalipikadong barangay chairman, kasapi ng Sangguniang Barangay, ingat-yaman at kalihim, barangay tanod, kasapi ng Lupon ng Tagapamayapa gayon din ang mga health and day care workers.  

Kaya naman masugid ang panghihikayat ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., sa Pangulo na lagdaan na agad para maging ganap na batas ang panukalang inaprubahan kamakailan ng Kongreso para mabigyan ng retirement benefits ang mga Barangay Officials sa bansa.

Para sa kaalaman ng madla, si Sen. Marcos ang pangunahing may-akda ng panukalang inaprubahan sa Senado.

Sabi nga niya, “Tapos na kami sa Senado, tapos na sa House (of Representatives) so ang kailangan na lang ang pirma ng Presidente. Sana naman ay mapirmahan na para maging batas.” 

Kung mapipirmahan nga naman ngayon ang nasabing panukala mas mabilis na mararamdaman ng barangay officials ang mga benepisyong itinatakda sa nasabing batas.

Isinasaad sa panukala na bibigyan ng P100,000 retirement pay ang bawat kuwalipikadong barangay chairman; P80,000 para sa mga miyembro ng Sangguniang Barangay, at P50,000 para sa mga barangay treasurer, tanod, miyembro ng Lupon ng Tagapamayapa, at barangay health at day care workers.

Dapat umabot kahit 60 taon-gulang at nakapagsilbi nang hindi bababa sa 9 na taon ang isang opisyal ng barangay o barangay worker para maging kuwalipikadong tumanggap ng naturang benepisyo.

(By the way, sana hindi maisama sa benepisyong ito ang barangay officials na may mga illegal sa kanilang lugar gaya ng illegal terminal!)

 Base sa naturang batayan, tinataya ng National Barangay Operations Office ng Department of Interior and Local Government (DILG) na noong Hunyo 7, 2013 aabot sa 95,616 ang dami ng mga opisyal ng barangay na kuwalipikado para sa naturang retirement benefit.

 Tinatayang aabot sa P5.2 bilyon ang kailangang pondo para maibigay ang mga retirement benefit ng mga kuwalipikadong opisyal ng barangay at workers.

Naglalayon ang panukala na magkaroong ng Barangay Retirement Benefit Fund na paglalaanan ng pondo taon-taon ng perang katumbas ng isang porsyento ng kalahati ng National Governemt sa Internal Revenue Allotment (IRA).

 Ang DILG ang naatasan para hawakan ang pondo at siguruhin ang maayos na pagbibigay ng mga benepisyong nakalaan sa mga kuwalipikadong opisyal ng barangay at barangay workers.

Kapag naipatupad, malaking bagay ito sa barangay officials lalo na roon sa mga matagal nang nanunungkulan.

Ang barangay po ang pinakamababang yunit ng pamahalaan na daluyan ng mga serbisyo at patakaran ng pambansang pamahalaan. Kumbaga sila ang mga ‘legman’ para makarating sa mga mamamayan ang mga serbisyo ng pamahalaan.

Lalo na po ‘yung health and day care workers natin, araw-araw ay nagseserbisyo sila sa consti-tuents.

Sabi nga ni Senator Bongbong, “Hindi naman sapat na basta salita lamang at tapik sa balikat ang gagawin nating pagkilala sa kanilang dedikasyon sa kanilang tungkulin at kontribusyon sa pagsisilbi sa ating mga kababayan.”

 Sana naman ay maisama ang panukalang batas na ito sa mga prayoridad ng Palasyo.

Isang pirma na lang!

Atty. Tonette Mangrobang, ng BI bukod kang pinagpala! (Paging: SoJ Ben Caguioa)

Maraming nagtatanong kung bakit tuluyan nang nag-disappear ang beauty sa Bureau of Immigration (BI) ng Acting Training Chief na si Atty. Tonette Mangrobang?

Halos seven (7) months na raw hindi napagkikita sa Bureau si Madam Tonette na napag-alaman natin na kasalukuyan palang nagsusunog ng kulay ‘este’ kilay sa bansang Germany.

Wow, ‘slayzindeutehn’ si madam ha?!

Pero may mga nakaamoy na bakit daw patuloy na tumatanggap si Atty. Mangrobang ng OVERTIME PAY samantalang marami sa mga empleyado na araw-araw ay nagre-report sa Bureau pero hindi naman tumatanggap ng OT pay!?

Isn’t that very unfair, Atty. Manuel ‘very rich’ Plaza?

Masyado naman yatang hindi patas ang pagtingin sa bagay na ‘yan?!

Hindi ba sumusunod tayo sa “no work, no pay policy?” ‘E bakit tila subjective ang pagbibigay ng OT pay?

Wrong, wrong as in totally WRONG!

Malinaw pa sa sikat ng araw na ginagamit ang OT para pang-oppress o panggigipit sa mga empleyado nitong si Mison?

Isipin na lang na habang nagpapakasarap ang isang tao sa pagte-training o seminar sa malamig na bansa ‘e patuloy na tumatanggap ng 60T overtime pay kada buwan si Mangrobang.

Pero ang ibang hindi favorite ay nagtitiis na walang tinatanggap na OT pay kahit patuloy na nagtitiis pumasok sa araw-araw na ginawa ng Diyos?!

Sonabagan!!!

Hindi pa ba kayo binabagabag ng iyong konsensiya!?

Pangako ni Erap sa MPD napako ba?

NAGTIIS na lang sa tuyo at kamatis sa pagpapalit ng taon kaming 3,000 member ng Manila Police District dahil hindi naibigay ang kalahating allowance na ipinangako ni Mayor Erap sa amin.

Inaasahan kasi naming mga kagawad ng Manila Police District ang ipinangako ng alkalde ng Maynila na bago mag-Bagong Taon ay ibibigay ang aming natitirang  sampung libong allowance, ngunit napako ang ipinangako ng alkalde.

Bago sumapit ang Kapaskohan ay panay pa-media ng alkalde na ang 3,000 na pulis ng Manila Police District ay mabibigyan niya ng P20,000.00 cash mula sa lokal na pamahalaan dahil pinanatili nila ang peace and order sa lungsod ng Maynila.

Ngunit  nang aming kunin mula sa tanggapan ng MPD /Finance Division ay kalahati na lang ang natanggap sa ipinangako na ibibigay ang kalahati bago sumapit ang New Year.

Kaya nagdagsaan ang mga pulis sa tanggapan ng FINANCE Division pero naka-padlock ang pintuan.

Umuwi ang mga pulis nang luhaan dahil ang inaasahan nilang natitirang P10,000.00 ay napako kaya imbes sumaya ang New Year ng pamilya ng mga pulis ng Manila Police District ay naging malungkot. – Concerned MPD personnel. Pls don’t publish my email add.

Kolektong sa Divisoria non-stop pa rin!

SIR 2loy ang pamamayagpag nina Tata JMY Suryano, hindi bale raw madiyaryo sila wag lang daw matakpan ng diyaryo. Ipinagyayabang pa na antigong pulis Maynila daw siya kaya’t hindi siya mapahindian ng mga nakapuwesto sa MPD at city hall. Kaya nga raw po siya ang ginawang katiwala sa vendors. Takot ho kaming lahat vendors dito sa Divisoria kay tata jmy. Sobrang pahirap na ho talaga. +63915499 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *