Kasama rin sa most applauded production number ay ang Your Face Sounds Familiar segment na kinabibilangan nina The Voice Season 1 winner, Mitoy Yonting ka-duet si Nyoy Volante na look-alike ni Queen, Myrtle, Maxene Magalona, at Eric Nicolas, Denise Laurel bilang si Lea Salonga ka-duet si Jed Madela sa awiting Sunlight, Alex Gonzaga sa awiting Insecure at Kean Cipriano, KC Concepcion ka-duet si Karla Estrada bilang si Sharon Cuneta at Pokwang with Melai Cantiveros bilang Tina Turner na talagang hiyawan to the max ang tao. (Lahat sila magagaling at talagang walang itatapon sa husay nila—ED)
Marami pang inihandang magagandang production numbers ang Kapamilya stars na masasabing world class ang dating kaya naman saan mang sulok ng mundo ay ABS-CBN stars talaga ang iniimbitahan in terms of performances.
Nagpasalamat si Chairman Eugenio Lopez III sa lahat ng walang sawang sumusuporta sa Kapamilya Network sa loob ng maraming taon at maging ang lahat ng magkakatuwang na bumubuo ng mga programa para lalong mapaganda ang mga ito ay pinasalamatan din niya.
Para mas lalong mag-enjoy sa kuwentong ito ay panoorin ang ABS-CBN Christmas Special sa Disyembre 19 (Sabado) at Linggo (Disyembre 20).
FACT SHEET – Reggee Bonoan
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
