Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Onyok, parang JaDine at KathNiel sa tindi ng hiyawan

121115 onyok

00 fact sheet reggeePARA sa amin, si Onyok na ang dapat tawaging Child Wonder, ANG titulong ibinigay noon kay Nino Muhlach pero ipinamana niya sa anak niyang si Alonzo Muhlach.

Nasaksihan kasi namin ang reaksiyon ng mga taong nasa loob ng Smart Araneta Coliseum noong Miyerkoles ng gabi para sa Thank You For The Love: The ABS-CBN Christmas Special na dinaluhan ng lahat ng sikat na Kapamilya stars at kahanay si Onyok ng KathNiel, JaDine, LizQuen in terms of nakabibinging hiyawan at sigawan ng lahat.

Sa totoo lang, nang lumabas si Onyok, grabe ang hiyawan, as in parang sina Piolo Pascual, Richard Gomez, at Dawn Zulueta, Coco Martin at iba pang big stars ng ABS-CBN ang nakita nila.

Kaya naman ginanahan at talagang nagpakitang gilas ang FPJ’s Ang Probinsyanotandem na sina Coco at Onyok sa kinanta nilang Awit Ng Kabataan na talagang walang tigil ang hiyawan ng mga tao sa Big Dome hanggang sa matapos.

At sa sobrang tuwa ng mga nanonood ay talagang mega-sayaw ang mga nasa lower at upper box isama mo pa ang nasa bleacher. Ang tindi talaga nina Cardo at Onyok kaya ‘yung panawagan namin sa Star Cinema, igawa na ninyo ng pelikula pagkatapos ng Ang Probinsyano dahil nakasisiguro kami, box office hit ‘yan.

In fairness, hindi naman nagpatalo ang love teams ng bawat teleserye dahil tilian din ang lahat sa kanila sa pangunguna nina Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria(Pangako Sa ‘Yo), Richard Gomez at Dawn Zulueta (You’re My Home),Albert Martinez at Yen Santos (All Of Me), Nash Aguas at Alexa Ilacad, Julia Barretto, at Kenzo Gutierrez (And I Love You So), Sam Milby at Julia Montes(Doble Kara), Richard Yap at Agot Isidro (FPJ’s Ang Probinsyano), Janella Salvador at Elmo Magalona and surprisingly, Inigo Pascual at Miles Ocampo.

Sina Inigo at Miles na ba ang bagong magka-loveteam at hindi na si Julia? In fairness, bagay din sila, huh, next to Sofia Andres.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …