Gusto rin naming batiin si Sid Lucero sa kakaibang papel na ginampanan niya sa Toto (Whatever It Takes) dahil marunong pala siyang magpatawa at sumayaw, nasanay kasi kami sa aktor na magaling sa drama.
Hindi hard sell ang pagsayaw ni Sid ng Macarena na paboritong tugtog din ng tatay niyang si Bembol Roco na isang performer at pangarap na makarating ng Amerika pero hanggang sa namatay ay hindi na nito nasilip ang bayan ni Uncle Sam.
At dahil sa failed dream ni Bembol ay kinamulatan ni Sid ang American Dream na ito ng ama at siya ang gustong magtuloy.
Hango ang kuwento ng pelikula sa mga biktima ng bagyong Yolanda at pamilya ni Toto ang isa sa kanila.
At para makatulong sa inang si Bibet Orteza at dalawang kapatid ay lumuwas si Sid bilang si Toto sa ibang bayan para mamasukan bilang roomboy sa isang hotel.
Halos lahat ng paraan ay nagawa na ni Sid para makapunta ng Amerika, nariyang naghanap ng baong pamilya at kung ano-ano pa pero laging denied ang visa.
Kaya naman kapag may nakilalang guest sa hotel na Inglisero ay kaagad niyang tinatanong kung tagasaan at kapag nalamang taga-Amerika ay tinatanong niya kung gusto siyang pakasalan.
Sumabit din si Toto sa pagbebenta ng mga piniratang DVD’s pero dahil hindi siya puwedeng magkaroon ng record ay iniligtas siya ng kaibigan niyang bading na si Thou Reyes na lihim siyang gusto.
Mas maganda kung panoorin na lang ito sa sinehan mula December 17-24 sa Robinsons Place Manila Midtown Cinema, Glorietta 4 at SM Megamall sa December 17-24 para sa MMFF New Wave 2015.
FACT SHEET – Reggee Bonoan