Ang lead actor ng A Second Chance ang nagwagi sa nasabing kategorya para sa episode nitong Hat sa Maalaala Mo Kaya.
Walang sama ng loob si Arjo dahil, ”nomination is enough na, okay na ’yun.”
Simula ng mag-artista ang aktor noong 2012 ay tatlong tropeo na ang naiuwi niya mula sa PMPC Star Awards.
Nanalo siya bilang Best New Male TV Personality noong 2012, sinundan bilangBest Drama Supporting Actor for Dugong Buhay ng 2013 at Best Single Performance by an Actor para sa Dos por Dos episode niya sa Maalaala Mo Kaya noong 2014.
Pero nakatitiyak kami na sa 2016 ay muling mapapansin si Arjo dahil sa napakagandang performance niya sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang kontrabida ni Coco.
Ayon sa aktor ang lahat ng natutuhan niya sa mga seryeng E-Boy, Dugong Buhay, at Pure Love ay in-apply niya sa character niya ngayon sa Ang Probinsyano.
“Dami ko nang natutuhan, tita. Lahat ng itinuro sa akin dati, mula sa ‘Eboy’ hanggang ngayon, in-apply ko.
“Before kasi, I love my character sa ‘Eboy’, I love my character sa ‘Dugong Buhay’, and then sa ‘Pure Love’, but learning from those 3 teleseryes, on my 4th I got to embrace it. There’s a big difference between loving your character and embracing it. Totally different, iba pala talaga. ’Pag na-embrace mo na at naniwala kang ikaw (ang karakter), wala na,” paliwanag ni Arjo.
Natanong namin kung ano pang klaseng kasamaan ang ipakikita niya bilang si Joaquin sa Ang Probinsyano dahil nabalitaan namin mula sa production ng programa na marami pang mangyayari na mas matindi.
“Actually, tita, I have no idea pa po, basta sabi lang maghanda, wala po akong alam pa, hindi pa sinasabi,” sabi ng binata.
Samantala, bahagyang naikuwento ni Arjo na sa kabila ng mga matitinding galit na napapanood sa kanila sa Ang Probinsyano ay nagkakatawanan sila pagkatapos ng take.
“’Yung napapanood mong galit na galit lahat, after the scene, tawanan kaming lahat as in, tita, lahat kami kulitan.
“Ang sarap nga kasi ang dami naming bloopers lalo na kapag madaling araw na, umaga na, ano pa ang ilalabas namin doon, sabaw na lahat utak namin, siyempre matatawa na kaming lahat kaya panay ang ‘time out’ namin kasi nga talagang hindi magawang magseryoso,” natatawa ring kuwento ng aktor.
Totally hands off si Arjo kay Coco, ”grabe tita, mapagbigay siya sa lahat ng eksena, hindi lang sa akin, sa lahat, gusto niyang mag-shine kaming lahat.”
Kaya naman bago talaga siya humarap sa kamera ay, ”inaaral ko po talaga ang script ko before ako sumalang, hindi ko man masaulo ang script, iniintindi ko kung anong atake at adlib na lang, lahat naman kami halos adlib, basta pasok sa eksena.
“Kaya sobra as in sobrang nagpapasalamat ako sa Dreamscape for getting me in ‘Ang Probinsyano’, wala po talaga akong masabi, tita,” kuwento ni Arjo nang makatsikahan namin kamakailan.
FACT SHEET – Reggee Bonoan