Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vhong, aminadong naapektuhan ang It’s Showtime dahil sa AlDub

120815 vhong navarro aldub

00 fact sheet reggeeNAKATSIKAHAN namin si Vhong Navarro sa ginanap na presscon ng pelikulang Buy Now, Die Later, entry sa 2015 Metro Manila Film Festival na idinirehe ni Randolf Longjas handog ng Quantum Films, MJM Productions, Inc., Tiko Film Production, at Buchi Boy Films na nag-prodyus din ng English Only Please noong 2014.

Inamin ni Vhong na apektado ang It’s Showtime sa AlDub ng Eat Bulaga, ”oo naman. Hindi naman natin ikakaila ‘yun. Sabi ko nga, kumbaga, that time, ang ‘Eat Bulaga’ parang gumanoon (tumaas) sila, kami rin nararamdaman din namin ngayon ‘yun.

“So far, may nagsabi rin kanina na unti-unti na kaming bumabalik, marami pong salamat. Dahil bumabalik sila ulit para panoorin kami.”

Sa tanong kung ano ang reaksiyon nilang mga taga-It’s Showtime sa pagbaba ng ratings game nila.

“Natatawa ako kasi para kaming hindi naapektuhan.

“Dapat kasi, sabi nga namin, panghawakan natin ‘yung sinabi natin sa mga tao na paliligayahin natin sila kahit anong mangyari.

“Kaya sabi nga namin, kahit isang tao lang nanonood sa atin, hindi tayo bibitaw.

“Kasi may nanonood pa rin sa atin, na mayroon pa ring nagbabayad ng koryente.

“Na nagbibigay ng oras para panoorin tayo, bakit naman tayo hindi kikilos?

“Mayroon pa ring isang nanonood, ibigay natin, magpasaya pa rin tayo kasi solid kami, eh. Sabi ko nga, ‘yung nakikita niyo sa kamera na para kaming naglalaro, totoo ‘yun.

“Naglalaro talaga kami kasi ini-enjoy lang namin ‘yung trabaho namin. Kasi alam naman natin na minsan, ang trabaho, sakit ng ulo ‘yan, eh. Nakatatanda ‘yan.

“Kaya kapag nagtatrabaho kami, ano lang tayo, magpasaya lang tayo.

“Bakit naman natin poproblemahin ang magpasaya, eh, gusto natin ‘to?

“Kumbaga, off-cam, ‘yun din kami.

“Kaya para sa amin, ang pagkakaiba lang off-cam, on-cam, may nakabukas na kamera, may nanonood. Off-cam, kami-kami lang.

“Depende kasi sa mga manonood eh. Hindi naman po namin kontrolado sila, eh.

“Ang sabi po namin, kung ano po ang maibigay namin sa kanila, mapapasaya sila o mapapaligaya sila, ibibigay po namin lahat.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …