Sunday , November 24 2024

Pacquiao vs Khan?

012815 pacman khan roach
SINO nga ba ang magiging huling laban ni Manny Pacquiao sa ring bago siya magretiro?

Strong contender si Amir Khan sa listahan ni Pacman. Pero Malaki ang impluwensiya ni Bob Arum bilang promoter ng Pambansang Kamao sa kanyang magiging farewell fight.

Base sa mga nakaraang interview ni Pacman, Malaki ang posibilidad na pagbigyan niya si Khan. Pero iba naman ang pananaw ni Arum. Gusto ng pamosong promoter na harapin ni Pacquiao sa ikatlong pagkakataon si Tim Bradley o si Terrence Crawford.

Madali nga namang ikasa ang nasabing laban dahil sina Bradley at Crawford ay nasa kanyang promotions na Top Rank. Wala na nga namang kiyaw-kiyaw sa pagkasa.

Samantalang si Khan ay hawak ni Al Haymon na magiging masalimuot ang magiging negosasyon.

Ang tanong ngayon ng mga miron sa boksing—sino nga ba ang masusunod?   Si Pacquiao o si Arum?

Kung pagbabatayan natin ay ang kikitain ng laban, posibleng piliin ng kampo ni Pacman ay si Crawford o si Bradley. Kunsiderahan kasi natin na ang dalawa ay parehong Kano at mukhang nagpareserba na si Arum ng araw sa Las Vegas.

Siyempre pa, papasukin ang nasabing laban para suportahan ng mga Kano ang kanilang kababayan.

Pero kung ikukunsidera ng Kampo ni Pacquiao ay ang magiging legacy ng Pambansang Kamao sa daigdig ng boksing—si Khan ang pipiliin niya.

Ang problema lang, paano tatanggapin ni Arum na sa Qatar itatakda ang nasabing bakbakan?

Tingin natin, puwede nang iisantabi ni Pacquiao si Bradley. Tinalo na niya ito at mukhang hindi na magiging mainit ang interes ng fans na panoorin pa ito.

Si Crawford…mukhang hindi rin ka-match ni Pacquiao. Kahit na maganda ang pruweba nito sa mababang dibisyon, hindi kakagatin ng fans.

Si Khan…matagal nang naghahamon kina Floyd Mayweather at Pacquiao.   Maganda-ganda na rin ang pruweba nito sa kanilang dibisyon.

At isa pa, tiyak na susuportahan ng mga Briton ang kanilang kababayan.

Pero ang isa nating isang puwersa na magdidiin sa desisyon ni Pacquiao ay ang pagiging kaibigan niya na Qatari royal family. Ang pagiging malapit niya sa pamilya ay nabuo sa nakaraang world amateur boxing championship noong Oktubre na kung saan ay naging panauhing pandangal ang Pambansang Kamao sa mahalagang event.

Posibleng hindi matanggihan ni Pacman ang Qatari royal family kung ito na ang mag-iimbita sa kanya para doon sa lugar nila gawin ang farewell fight niya.

KUROT SUNDOT – Alex Crux

About Alex Cruz

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *