Katipo ng English Only ang dating para sa amin ng #Walang Forever dahil may narrator din.
Parehong drama-comedy ang genre ng pelikulang #Walang Forever at English Only kaya siguro pareho ang dating sa amin.
Base sa napanood namin ay parang walang bago sa acting at pagpapatawa ni Jennylyn dahil nagawa na niya ito sa English Only at The PreNup, pero mabenta pa rin dahil tawa kami ng tawa at marahil ganito rin ang reaksiyon ng iba.
Bukod dito ay maganda ng rehistro ni Jennylyn sa screen at ang sexy pa raw kaya hindi nakasasawang panoorin.
Si Jericho naman ay magaling talagang aktor at forte niya ang drama kaya seryoso naman siya sa #WalangForever, hindi lang namin type ang gupit ng buhok niyang mushroom style.
#WalangForever ang titulo ng pelikula kaya’t more or less ay alam na namin ang takbo ng kuwento lalo’t sa bandang huli ng trailer ay ibinenta na lahat ni Echo ang ari-arian niya at sa ibang bansa na siya maninirahan at nagbilin siya na alam naman daw ng katiwala niya kung nasaan siya.
At dahil si direk Dan ang nagdirehe ng pelikula at si direk Antoinette Jadaonenaman ang creative director ay hindi maiwasang matulad ang #WalangForever saEnglish Only na magkatuwang din nilang ginawa.
Parehong may pelikula sina direk Dan at Tonet sa 2015 Metro Manila Film Festival, ang #WalangForever ni direk Dan at All We Need Is Pag-ibig ni direk Tonet.
Pareho naming type panoorin ang dalawang pelikula isama pa ang Beauty and The Bestie nina Vice Ganda at Coco Martin na idinirehe naman ni Wenn Deramas.
FACT SHEET – Reggee Bonoan