Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, nadala sa ganda ng Coron, ‘di napigilang ‘di mag-bathing suit

120315 kris aquino

MAGANDA ang lugar na pinagsusyutingan ng All We Need Is Pag-Ibig sa Coron, Palawan base sa mga nakikita naming post sa social media kasabay ng pag-post din sa Instagram account ni Kris Aquino na naka-bathing suit siya pero nakatalikod naman at napansin naming pumayat.

Pawang positibo ang mga komentong nabasa namin sa post na ito ng TV host/actress at waiting sila na mapanood ang nasabing pelikula na idinidirehe ni Antoinette Jadaone.

Big scene ang nakita naming eksena sa beach at ang aga nga raw ng call time kasi hinabol ang day effect. Kinumusta namin si Kris sa ilang araw niyang pananatili sa Coron, Palawan at nabanggit pa naming nakapagpahinga siya dahil malayo sa polusyon, ingay ng showbiz.

Aniya, “exhausting, packed up ng after 4AM (Martes ng madaling araw), resumed again by 10 (AM), naghahabol ng day effect, pero super beautiful-as in CINEMATIC talaga.”

Hindi na kami sinagot ng Queen of All Media kung ano ang mga eksenang kinunan na kasama si Derek. Ramsay.

May taga-production kaming natanungan at nabanggit na cute raw ang eksena ni Derek nang makita siya ni Kris sa kubo nito at dito raw nagsimula ang friendship nila na in the end ay magiging lovers.

Tinanong namin kung bakit sa Coron, Palawan pa ang shooting, eh marami namang beach resort na mas malapit?

“Iba po kasi ang Coron, ang ganda ng lugar at perfect po ito sa mga taong nag-a-unwind at ‘yung mahilig sa diving,” kuwento sa amin.

At dahil napo-promote ang nasabing resort sa All We Need Is Pag-Ibig ay tiyak na magiging puntahan ito ng mga tao oras na napanood nila ang pelikula sa December 25 na entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival.

‘Di ba’t ganito rin ang nangyari sa That Thing Called Tadhana nina JM de Guzman at Angelica Panganiban na idinirehe rin ni Jadaone, naging sikat bigla ‘yung mga lugar na pinuntahan ng dalawa, Ateng Maricris.

Going back to shooting ng All We Need Is Pag-Ibig ay hanggang December 2 doon ang grupo.

Samantala, nagkaroon ng isang araw na libre si Kris kaya’t nakapag-shoot siya ng Kris TV.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …