Sunday , December 22 2024

Ex-Mayor Peewee, Roxas 10-taon kulong (Sa maanomalyang awarding ng public market mall)

HINATULAN ng Sandiganbayan si dating Pasay City mayor Wenceslao “Peewee” Trinidad at dating Pasay Rep. Jose Antonio Roxas ng hanggang 10 taon pagkabilanggo makaraang mapatunayang guilty sa kasong graft bunsod nang pagpabor sa contractor sa pagtatayo ng public market mall noong 2004.

Kabilang din sa hinatulan sina Joselito Manabat at  Alexander Ramos, tumayo bilang kinatawan ng Non-Government Organization–Bids and Awards Committee (NGO-BAC).

Sa promulgasyon kahapon, Nobyembre 26, napatunayan ng anti-graft court First Division na sina Trinidad at Roxas ay guilty sa paglabag sa Section 3(e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa pagbibigay ng pabor sa Izumo Contractors Inc.

Sila ay hinatulang mabilanggo ng anim na taon at isang buwan hanggang 10 taon, at hindi na maaaring humawak ng puwesto sa public office.

Sina Trinidad at Roxas ay napatunayang pumabor sa Izumo Contractors Inc., sa pagbibigay ng kontrata para sa konstruksiyon ng P489.95-million Pasay City mall and public market.

Si Trinidad ang chairman ng Pre-Qualification Bids and Awards Committee (PBAC) habang si Roxas ay miyembro ng PBAC at councilor noong pirmahan ang kontrata noong Pebrero 2004.

Iginawad ni Trinidad bilang PBAC chair, ang kontrata sa Izumo bagama’t ang PBAC ay hindi na umiiral dahil ito ay napalitan nang binuong new PBAC sa ilalim ng Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act.

Ayon sa korte, muling binuo nina Trinidad at Roxas ang PBAC para sa bidding bagama’t wala silang awtoridad na gawin ito, “thereby (giving) unto the latter (Izumo) unwarranted benefits, advantage, and preference, as such acts not only indicate a dishonest purpose or some moral obliquity, the conscious doing of a wrong, and a breach of sworn duty through some bad motive or intent or ill will but also constitute corruption or abuse of authority.”

About Jethro Sinocruz

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *