Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Milby Way concert ticket ni Sam, mabenta!

102015 sam milby

00 fact sheet reggeeSA Sabado, Nobyembre 28 ang The Milby Way concert ni Sam Milby sa KIA Theater Araneta Center, Cubao at base sa tinanungan naming ticketnet tungkol sa ticket selling ay “malakas po.”

Naniniwala rin naman kaming mabenta ang concert tickets ni Sam dahil sa tuwing nagagawi kami sa KIA Theater ay marami ang nagbabasa ng concert poster niya at interesado kung saan bibili ng ticket.

Ipagdiriwang ni Sam ang 10th anniversary niya sa showbiz sa pamamagitan ng concert na produced ng Cornerstone Events para sa mga supporter niya na hindi siya iniwanan kahit na minsan ay hindi aktibo ang aktor sa acting career niya dahil matagal siyang nasa ibang bansa.

Kahit na abala si Sam sa Doble Kara tapings kasama si Julia Montes at Written In Our Stars kasama naman sina Toni Gonzaga at Piolo Pascual na mapapanood na sa 2016 handog ng Dreamscape Entertainment ay naglaan talaga siya ng oras para sa rehearsals ng The Milby Way show na hindi palang ibinibigay sa amin kung ano-ano ang mga kakantahin ng Rockoustic Heartthrob.

Sa ginanap na Kapamilya Krismas 3 noong Linggo sa Trinoma Mindanao Open Parking ay maraming supporters sina Sam at Julia bilang sina Sebastian at Kara/Sara kaya naman nagpasalamat nang husto ang dalawa sa mainit na pagtanggap sa kanila kahit ilang linggo palang silang napapanood sa serye as love team.

Ang isa pang inaabangan sa darating na The Milby Way concert ni Sam ay ang pagdalo ng special girl niyang half Australian at half-Japanese na si Maria Jasmine.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …