Monday , December 23 2024

Immigration ‘chief’ sa NAIA Terminal 1 inireklamo

INIREKLAMO ang isang mataas na opisyal ng Bureau of Immigration sa NAIA terminal 1 dahil sa pambabastos sa isang pamilyang Omani at pagtanggi na bigyan ng exit clearance sa kabila na mayroon silang balido at kompletong travel documents na iprinisinta sa nasabing opisyal.

Naganap ang insidente 2:30 ng umaga nitong Nobyembre 20 (2015) habang nakatakdang lumipad patungong Muscat ang mag-asawang Mohamad at Mel Al Balushi at ang kanilang pitong-buwang gulang na supling.

Ayon sa mag-asawang Omani, binastos sila ng hepe ng Immigration na nakatalaga sa NAIA Terminal 1 habang sinigawan na hindi nila alam ang mga alituntunin para mabigyan ng exit clearance para sa kanilang sanggol na anak.

Tinangka ng ina na ipaliwanag na sa nakalipas, binigyan ng clearance ang isang bata na mas nakatatanda at bibiyahe bilang sanggol makaraang magbayad ng kaukulang fees sa kahera at pagkakuha ng resibo.

Sa halip maunawaan umano, lalo pang nagalit ang immigration official at sinabihan ang mag-asawa na ang sinasabi nila ay ilegal at sasampahan niya ng kaso ang sino mang taong nagbigay ng clearance sa naunang bata.

Kahit iprinisinta pa ng mag-asawa ang mga dokumento ng kanilang anak ay tumanggi pa rin ang opisyal at idinagdag pa na tanging si Commissioner (Siegfred) Mison lamang ang maaaring magbigay sa kanila ng kinakailangang clearance.

Nang tanungin ng asawa ni Al Balushi ang pangalan ng kausap na opisyal, sumagot lamang ito ng, “No need for that. Commissioner Mison knows me very well. He calls me Robin. I don’t have to tell you anything else.”

Napag-alaman na ang asawa ng babae na si Mohamad ay business associate at house guest ni retired Commodore Rex Robles at sinabi nitong ang ginawa ng immigration chief ng NAIA terminal 1 ay malinaw na tangka ng extortion sa kanyang mga kaibigan.

About Tracy Cabrera

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *