Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barako Bull nanunuwag

112515 Barako BullKAHIT na tila hindi naman ganoong kalakas ang line-up ng Barako Bull, aba’y  nakapagbibigay ng magandang laban ang Energy sa mas matitinding kaharap.

Isang halimbawa na lang ang naganap noong Linggo sa Ynares Sports Center sa Antipolo City kung saan nakaharap nila ang defending champion San Miguel Beer.

Aba’y  muntik na nilang masilat ang Beermen kungdi lang sa last second shot ni Arwind Santos na nagbigay sa San Miguel ng 106-105 panalo.  Nagwakas tuloy ang two-game winning streak ng Energy na bumagsak sa 3-3.

Pero magandang simula na rin ito para sa Barako Bull considering na mas nakaaangat pa sila sa ibang koponang may malakas na line-up. Hindi nga inaasahahang makakapanakot ang Energy, e.  Sa simula ng torneo nga ay sinasabing baka mangulelat pa ang koponang itro.

Pero hindi naman hahayaan ni coach Koy Banal na magkawindang-windang ang kanyang koponan at ang tsansa nila. Kahit na salat sa matitinding manlalaro ay nareremedyuhan ni Banal ang sitwasyon.

Sino ba naman ang mag-aakalang mapahihirapan nila ang Beermen na pinamumunuan ng two-time Most Valuable Player na si June Mar Fajardo?

E sino ba naman ang puwedeng itapat ng Barako Bull kay Fajardo?

Bale si Mick Pennisi lang ang matatag na puwedeng itapat. Hindi na ito bata. Hindi naman puwedeng gamitin nang husto ang mga rookies na sina Michael Miranda at Tutien Andrada dahil kakainin sila ng buong-buo ni Fajardo.

Ang maganda dito sa Barako Bull ay ang pangyayaring ang mga manlalaro nito ay tila nais na magpakitang-gilas matapos na ipamigay sila ng kani-kanilang koponan. Pagkakataon na nilang magkaroon ng mahabang playing time at maipakitang ubra naman silang maging star sa PBA kung bibigyan ng pagkakataon.

Iyon marahil ang dahilan kung bakit nakakapanakot ang Energy.

 

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …