Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn, ieendoso si Roxas sa pagka-pangulo

111615 kathryn bernardo

00 fact sheet reggeeIISA ang tanong ng netizens tungkol sa viral online na nagpahayag ng suporta si Kathryn Bernardo kay dating DILG Secretary Mar Roxas sa kandidatura nito sa 2016.

Ang iisang tanong ng lahat, ”natiwalag na ba si Kathryn sa Iglesia Ni Cristo?”

Yes Ateng Maricris, ito rin ang pumasok sa isipan namin dahil paano nga napapayag si Kathryn na mag-endoso ng isang kandidato kung wala pa namang inihahayag ang pamunuang ng INC?

Nagtanong kami sa taga-Central Office ng Iglesia Ni Cristo at nabanggit nga na may hiningan ng payo ang mommy Mhin Bernardo ni Kathryn.

“Actually nagtanong naman ang mommy ni Kathryn kung paano ang gagawin at pinayuhan siya na magpaalam sa Central tungkol dito at kung paano ang gagawin. Siguro nagpaalam na sila at binigyan ng basbas kaya siguro nagawa ni Kathryn na mag-endoso. Mahirap kasi ang mga ganyang kaso, ang pamunuan lang ang nakaaalam.”

Sabagay, saradong Iglesia Ni Cristo ang pamilya ni Kathryn, baka nga naman nagpaalam siya bago gawin ang page-endoso kay Mar sa online.

Bukold sa KathNiel ay nagpahayag na rin ang ilang celebrities na suportado nila si Mar sa pagka-Presidente sa 2016.

Ang mga celebrity ay sina John Prats, Billy Crawford, Jay-R, Kris Lawrence, Ramon Bautista, Carla Abellana, Karylle, Jason Francisco, Mela Cantiveros, Chokoleit, MC, Lassy, Donita Nose, at James Yap.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …