Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Probinsyano, OTWOL, at Doble Kara magpapasaya sa Kapamilya Krismas 3

111915 jadine coco julia

00 fact sheet reggeeNA-TRAPIK ang mga kababayan natin patungong Makati, Maynila, Pasay City, at SLEX dahil sa APEC ay tiyak na ganito rin ang mararanasan ng mga papunta naman ng Quezon City, Monumento, Caloocan City, at NLEX sa Sabado lalo na sa bandang Trinoma dahil may personal appearance ang mga bida ng Ang Probinsyano, On The Wings of Love, at Doble Kara sa Linggo (Nobyembre 22), 4:00 p.m.para sa Kapamilya Krismas 3 na gaganapin sa Trinoma Mindanao Open Parking.

Darating sa Kapamilya Krismas 3 sina Coco Martin, Onyok, Richard Yap, Maja Salvador, Agot Isidro, Arjo Atayde at iba pang cast ng Ang Probinsyanona napapanood gabi-gabi sa Primetime Bida.

Tiyak na pakikiligin naman nina James Reid at Nadine Lustre ang fans kasama sina Albie Casiño, Bianca Manalo, Nico Antonio at ang iba pang bida sa On the Wings of Love.

Hmm, may magdo- Doble Kara rin kayang pupunta para makipag-tarayan kayJulia Montes kasama ang guwapong si Sam Milby, Maxene Magalona, John Lapuz, at Alora Sasam?

Pero kasiyahang iparamdam ang Kapaskuhan na hatid ng Doble Kara cast sa fans.

At bukod sa mga nabanggit ay may OPM concert din para sa tagahanga nina Gloc-9, Erik Santos, KZ Tandingan, Morissette, Daryl Ong, at Ebe Dancel.

Kaya sa mga gustong manood at makiisa sa Kapamilya Krismas 3, agahang pumunta sa Trinoma Mindanao Open Parking para hindi ma-trapik at para sa karagdagang impormasyon, maglog-on lamang sawww.abs-cbn.com o i-follow ang ABS-CBN sa Facebook at Twitter (@abscbndotcom).

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …