Thursday , December 19 2024

DQ vs Grace ibinasura ng SET (Senators inismol, Petitioner hihirit sa SC)

111815_FRONT
IBINASURA ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang disqualification case laban kay Senator Grace Poe kaugnay sa 2013 polls.

Sa botong 5-4, ibinasura ng SET ang inihaing disqualification case na isinampa ni Rizalino David.

Ang mga senador na bumoto para balewalain ang petisyon ay mga kasamahan sa Senado ni Poe na sina Senators Loren Legarda, Cynthia Villar, Bam Aquino, Pia Cayetano at Tito Sotto.

Habang ang mga bumoto para i-disqualify si Sen. Grace ay sina Supreme Court Sr. Associate Justice Carpio, SC Associate Justice Teresita Leonardo-De Castro, SC Associate Justice Arturo Brion at Sen. Nancy Binay.

Kung maaalala, ang ama ni Sen. Nancy na si Vice President Jejomar Binay ay kalaban sa presidential election ni Poe.

SEN. POE NAPAIYAK

NAGING emosyonal, napaiyak at napalundag si Senator Grace Poe nang kanyang malaman ang magandang balita na ibinasura ng SET ang petisyon laban sa kanya.

Humanga si Poe sa katapangan at panininidigan ni Senador Bam Aquino sa kanyang desisyon na pumabor sa kanya sa kabila na kaalyado siya ng kasalukuyang administrasyon.

Hindi naitago ni Poe ang kanyang paghanga at pasasalamat sa mga kapwa senador na bumoto pabor sa kanya.

Naniniwala si Poe na ang kanyang panalo ay hindi lamang pansarili kundi ito ay panalo ng taong bayan na nagluklok sa kanya, ang mga taong patuloy na nagtitiwala sa kanya, mga kababaihan, mga batang ampon at napulot lamang at mga taong nagnanais ng pagbabago para sa pamahalaan.

Sa kabila na hindi pa rin niya nakikilala ang kanyang tunay na mga magulang ay nagpasalamat pa rin si Poe at nanawagan na kung sila man ay nakikinig at siya ay napapanood, ay lumabas na at aminin ang katotohanan.

Nagpasalamat din si Poe sa kanyang mga magulang na nakapulot sa kanya at ipinagkatiwala siya kina ‘The King’ Fernando Poe, Jr., at actress Susan Roces.

Umaasa si Poe na magiging batayan ito at masusundan ang desisyon ng SET na pabor sa kanya sa mga inihaing disqualification case sa Commission on Election (Comelec) at sa Korte Suprema sakaling ito ay idulog ng mga petitioner. ( NIÑO ACLAN )

Senators inismol

PETITIONER HIHIRIT SA SC

IAAPELA ng petitioner sa disqualification case na inihain laban kay Senator Grace Poe, na ibinasura kahapon ng Senate Electoral Tribunal (SET), sa Supreme Court ang nasabing desisyon.

Sa kabila ng pagbasura sa petisyon sa botong 5-4 ng nine-member panel, naniniwala pa rin si Rizalito David na natamo niya ang moral victory dahil pumanig sa kanya ang mga hukom ng SC.

Ang tinutukoy ni David, natalong senatorial candidate sa 2013 elections, ay sina Associate Justices Antonio Carpio, Teresita Leonardo-De Castro at Arturo Brion, habang bumoto rin pabor sa petisyon si Senator Nancy Binay.

“I will ask the SC to rule on this case with finality,” pahayag ni David. “It’s confirmed by how the SC justices voted, they know their law and these people voted in my favor.”

Samantala, ikinalungkot ni David ang pagboto ng limang senador na nagbasura sa kanyang petisyon.

“It’s a pity that our senators failed to rise above their political nature,” aniya. “The issue placed before them was constitutional and legal and yet they voted along political lines.”

nina NIÑO ACLAN / CYNTHIA MARTIN

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

PNP Marbil Simbang Gabi

PNP nakaalerto, sa pagsisimula ng Simbang Gabi

GANAP na nakahanda ang Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng …

Bulacan ECCD

Kampeon sa pagpapaunlad ng mga kabataan
BULACAN, TUMANGGAP NG PAGKILALA MULA SA ECCD COUNCIL

Isa pang karangalan, na nagpapatunay ng pangako ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa ilalim ng …

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *