Saturday , May 4 2024

Mari Jasmine ni Sam, isang Japanese-Australian at host sa Etcetera

110615 sam milby marijasmine

00 fact sheet reggeeFOLLOW-UP ito sa naisulat namin dito sa Hataw kahapon tungkol kayMari Jasmine, ang magandang dilag na inspirasyon ni Sam Milby na kinorek kami ng supporter dahil isinulat naming Filipina British siya.

Wala naman pala siyang lahing Filipino dahil isa siyang foreigner.

“Hey, just wanna confirm that Mari is Japanese-Australian, she is of no Filipino blood. She went here 3 years ago and stayed ever since. She is really kind once you meet her, Sam is really lucky,” mensahe sa amin ng supporter nina Sam at Mari Jasmin.

Dahil kaliwa’t kanan ang nakita naming print ad ni Mari Jasmine kaya tinanong namin ang kausap kung may planong pasukin ang showbiz.

“I don’t know her plans, by the way, she is a very private person,” sagot sa amin.

Nataranta kami kasi nga nasulat na namin at sinabi namin sa fans na pinanggalingan ng litrato at link ng social media account ng magandang binibini, ”I think that is fine as long as there are no mentions of her personal life.

”Ha, ha, ha, the (fans) are eager about the TWO (Sam and Mari Jasmine), also you might wanna watch ‘Etcetera’ on ETC Channel tonight (kagabi) at 9:00 p.m., Mari is one of the host there.”

Sa madaling salita, hindi na bago si Mari Jasmine sa mundong ginagalawan nila ni Sam kaya naniniwala kami na pagdating ng tamang panahon ay papasukin na rin niya ang showbiz.

At sa tanong namin kung paano nagkakilala sina Sam at Mari, ”I don’t know about that one, I’m sorry.  I think Sam told about it sa ‘Kris TV’ interview with Enchong (Dee).”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Mura Allan Padua sunog

Mura nasunugan, sa waiting shed ngayon naninirahan

MATABILni John Fontanilla MASAKLAP ang buhay na tinatahak ngayon ng dating komedyante na si Mura nang masunog …

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *