Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gulo kapag tinanggal sina Grace at Binay  

EDITORIAL logoKUNG talagang ipipilit na ipakulong si Vice President Jojo Binay at i-dis-qualify naman si Sen. Grace Poe, malamang na sumiklab ang gulo dahil hindi papayag ang libo-libong supporters ng dalawang kandidato na hindi sila makatakbo sa pagkapangulo.

Asahang mangyayari ang sunod-su-nod na mga rally at demonstrasyon kung hindi patatakbuhin sina Binay at Poe sa darating na eleksiyon.  Alam ng publiko na tanging ang kampo lang ni Mar Roxas ang makagagawa nito dahil sila ang nasa poder, bukod pa na sila rin ang may malawak na makinarya, koneksiyon at orga-nisasyon.

Nakatatakot na pangitain ang magaganap dahil malamang na makialam ang ilang grupo sa loob ng  PNP at AFP.  Ang usapin sa  SAF 44 ay hindi pa rin humuhupa at humihingi pa rin ng katarungan ang mga naulilang biktima ng Mamasapano masaker.

Hindi rin iilan sa loob ng AFP ang matamang nagmamasid ng kasalukuyang pampolitikang kaganapan at hindi maaaring hindi ito ‘gumalaw’ kung nasasalaula at naaabuso na ang karapatan ng taumba-yan.

Malaking problema ng administrasyon ni Pangulong Noynoy Aquino kung ang mga rally at demosntrasyon ay maganap at magtuloy-tuloy ang galit ng mamamayan, at hindi na niya ito mapipigilan lalo na kung meron nang makialam sa hanay ng AFP at PNP.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …