Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P1.2-M alahas tinangay ng kasambahay

ARESTADO sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang kasambahay na nagnakaw ng P1.2 milyong halaga ng alahas ng kanyang amo sa Paco, Maynila kamakailan.

Kinilala ang suspek na si Eden T. Del Castillo, 21, stay-in sa Cluster 1, Unit 5L Garden sa Cristobal St., Paco ,at tubong Mapanag May-Anao, Tigaon, Camarines Sur.

Sa salaysay kay SPO4 Antonio Marcos ng MPD Theft and Robbery Section, ng biktimang si Marilou Padilla, 35, negosyante, ninakaw ng suspek ang kanyang mga alahas dakong 8:15 p.m. noong Oktubre 18, 2015.

Winasak aniya ng suspek ang aparador at nakuha ang nasabing alahas at tinangay din maging ang P100,000 cash.

Sa  follow-up operation nina SPO4 Roderick R. Tan, at PO3 Rodel Benitez, nadakip a ang suspek sa loob ng kanilang bahay sa Provincial Zone 7, Mapanag May-Anao, Tigaon, Camarines Sur, at nabawi ang mga ninakaw na mga alahas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …