Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mauulit ang People Power

EDITORIAL logoKung mangyayari ang scenario na tuluyang madi-disqualify si Sen. Grace Poe at makukulong naman si Vice President Jojo Binay para maging Pangulo si Mar Roxas, malamang na sumiklab ang gulo sa Filipinas.

Hindi iilang political observers ang nagsasabi sa posibilidad na ito na maaaring ginagawa na sa kasalukuyan ng LP para tuluyang mailuklok sa kapangyarihan si Roxas.  Alam ng lahat na kung magiging maaayos ang eleksiyon, malamang na ang maglalaban ay sina Poe at Binay. Kulelat si Roxas.

Hindi pababayaan ng kasalukuyang administrasyon na manalo si Binay sa takot na tiyak babalikan at ipakukulong si PNoy. At kung sakaling si Poe naman ang mananalo, hindi rin sila nakasisiguro na hindi sila kakasuhan.

Kaya nga tama ang sinasabing hindi magpapabaya ang administration party at siguradong  gagawin ang lahat manalo lamang si Roxas.  Tama rin ang sabihing, ang susunod na gigibain, pagkatapos ni Binay at Poe, ay tiyak na ang isa pang presidential candidate na si Sen. Miriam Defensor-Santiago para masiguro ang upuan ni Roxas sa Malacañang.

Pero kailangang sigurong magdahan-dahan ang mga may masamang iniisip sa kampo ni Roxas.  Hindi maaaring sabihing hindi papalag ang publiko kapag makikita nilang binastos at binalasubas nila ang halalan.

Ang posibilidad ding maaaring umalma ang PNP at AFP ay hindi maaaring isantabi lalo kung ipagpipilitan nila na maging pangulo ang hindi naman ibinoto ng taumbayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …