Sunday , March 15 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

MFH ng GMA, mapapaaga ang pagtatapos dahil talong-talo ng OTWOL

101715 dennis jennylyn jadine nadine james reid

00 fact sheet reggeeTAWANG-TAWA kami sa pagiging candid ni Direk Joyce Bernal sa sinabi niyang, “oo, talo nga kami (ratings game) ng ‘OTWOL’ (On The Wings Of Love).”

Ang OTWOL ang katapat ng My Faithful Husband na seryeng idinidirehe ni Joyce sa GMA 7. At ang direktor naman ng kilig-seryeng katapat ay si Antoinette Jadaone na rating personal assistant niya.

Sabi ni direk Joyce tungkol kay direk Tonet, “natutuwa ako for her, proud ako para sa kanya.”

At dahil talo sa ratings game ang MFH ay tinanong namin kung hanggang kailan na lang ito, “bago mag-December yata o December, not sure, eh. Oo talo kami sa ‘OTWOL’ kaya magba-babu na kami, ha, ha, ha, ha,” tumatawang sabi pa ni direk Joyce nang makatsikahan namin pagkatapos ng premiere night ng The PreNup nina Sam Milby at Jennylyn Mercado handog ng Regal Entertainment na idinirehe naman ni Jun Robles Lana.

Masarap talagang kausap si direk Joyce dahil hindi siya showbiz at wala siyang pakialam kung nagri-rate o hindi ang programa niya dahil katwiran niya, anong magagawa niya kung ayaw kagatin ng tao.

Nabanggit din ni direk Joyce na planong i-extend sana ang MFH, pero hindi na raw puwede dahil lalaylay na.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Klea Pineda Janella Salvador property

Janella, Klea bumili ng property

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI pa malinaw ang tunay na estado ng relasyon nina Klea Pineda at Janella …

Zanjoe Marudo Angelica Panganiban Bea Alonzo Vincent Co The Silent Noise

Zanjoe nagulat, masaya sa kasalang Bea-Vincent; Role sa The Silent Noise mahirap palampasin 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IKINAGULAT subalit masaya ang aktor na si Zanjoe Marudo sa nakatakdang pagpapakasal ng …

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …