Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Khan tiwalang maikakasa ang laban nila ni Pacman

012815 pacman khan roach

NANINIWALA si Amir Khan na nasa 75 porsiyento na ang tsansa na magkaroon ng realisasyon ang magiging laban nila ni Manny Pacquiao.

Sinabi ng British boxer na nagkaroon na ng paunang pag-uusap ang kampo nila at grupo ng Pambansang Kamao.

“I think 75 percent,” pahayag ni Khan, na isa sa dumalo sa pagsigwada ng amateur world championships sa Qatar, na nauna nang dinaluhan ni  Pacquiao nung nakaraang linggo.

Sa pulong ni Khan sa mga media, idiniin niya na, “were taking care of everything” regarding negotiations with Pacquiao.

Pero sa kasalukuyan ay priority ni Pacquiao ang rematch kay Floyd Mayweather.  Ngunit ngayong tuluyan nang nagretiro sa ring ang huli, napakaliit na ng tsansa na magkaroon pa iyon ng kaganapan.

Para kay Pacquiao, sinabi niya na kahit sino kina Khan at Mayweather ang kanyang makaharap sa March o April, sigurado  siyang iyon na ang magiging huling laban niya para magkonsentra naman sa kanyang political career.   Nag-anunsiyo na tatakbo siya bilang senador  sa darating na halalan sa 2016.

Ang pinal na desisyon kung sino ang makakaharap ni Pacquiao ay ihahayag sa Nobyembre o Disyembre.

Sa huling bahagi ng pakikipag-usap ni Khan sa media, inupakan niya si Mayweather.   Kategorikal na inakusahan niya ang kampeon,  “Floyd, in a way, chickened out; he didn’t give me the fight. [For] three years he was saying he was going to give me the fight but then he didn’t.

“Manny Pacquiao, after Floyd Mayweather, is the best fighter and I want to fight the best fighters.”

Ang Briton boxer na nanalo ng silver medal sa Olympic games ay mananatili sa Qatar hanggang Oktubre at may itinakda itong media work para sa BBC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …