Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Silang mga taga- Sinagtala

EDITORIAL logoSA PALIBOT ng magagarang kabahayan at nagtataasang gusali, ang magulo, siksikan at maingay na lugar ng Sinagtala ay maituturing na nilimot ng kaunlaran at tulong mula sa lokal na pa-mahalaan ng Quezon City.

Lugar na kung tawagin ay pugad ng mga maralitang tagalungsod, ang Sinagtala ay matatagpuan sa Bahay Toro, Proj. 8, Quezon City.  Nililibak ang lugar dahil sa  talamak na droga, nakawan, sugal at iba pang bisyo, ang Sinagtala naman ngayon ay pinaglalaruan ng mga politikong kakandidato sa halalan.

Nagsisimula nang dumami sa palibot ng Sinagtala ang mga tarpaulin ng mga ganid na politiko kasabay ng pag-asang bibigyan sila ng ‘tulong’ ngayong darating na eleksiyon.  Sa kabila nito, ang mga batang palaboy at istambay ay dumarami at ang kahirapan sa Sinagtala ay lalong tumi-tindi.

At sa kakarampot at panandaliang tulong ng mga politiko sa darating na eleksiyon, buong pusong tatanggapin ito ng mga residente ng Sinagtala. Pero hindi ito sapat sa patuloy na paghihirap na dinaranas ng mga taga-Sinagtala. Walang trabahong maibigay ang pamahalaan ng QC, at walang maibigay na tulong na maaaring mapaunlad ang kanilang mga kakayahan bilang bahagi ng lipunan.

Sina Tepo, Jek, Jovy, Peter, Popoy, Tupas, Billy, Naniong at iba pang mabubuting nilalang sa Sinagtala ay magiging latak din ng lipunan dahil sila ay lalamunin ng kahirapan. 

Kailangang kumilos ang pamahalaan at tulungang paunlarin ang kabuhayan ng taga-Sinagtala.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …