Samantala, hindi nakadalo ang Ama ng Quezon City dahil ipinatawag daw ni Pangulong Noynoy Aquino kaya si Konsehala Mayen Juico ang dumalo bilang representative ni Bistek at bilang main proponent ng Gender Fair Ordinance.
Dumalo at sumuporta rin ang Chairman ng MTRCB na si Atty. Toto Villareal na talagang pinuri rin niya ang nasabing project para maging daan din sa mga pelikulang tumatalakay sa LGBT at papurihan din ang mga Foreign Filmmaker na sumali sa Pink Film Festival na nasa ikalawang taon na.
Festive ang ambiance na ginanap ang Pink Film Festival dahil sa mga kapatid na gays na kasama sa ilang pelikula at manghang-mangha rin ang lahat dahil dumalo ang ilang Gays beauty queens na hindi mo makikilalang mga bading dahil sobrang gaganda at daig pa ang mga tunay na mujer.
Anyway, kaya namin nabanggit na pinag-uusapan ang pelikulang Felix Y. Manalosa nabanggit na pagtitipon ay dahil iniisip ng mga katoto kung may matitirang sinehan pa kaya para maipalabas ang mga pelikulang kalahok sa Pink Film Festival dahil nga nakopo ng pelikula ng Iglesia Ni Cristo ang mahigit na 300 sinehan.
Oo nga naman, ilang sinehan ba mayroon sa Quezon City na nagdiriwang angPink Film Festival, Ateng Maricris?
Nauna ng ipalabas kahapon, Oktubre 7, 2:00 p.m. ang mga pelikulang LGBT Foreign Short Films mula sa bansang Holland, France, UK, Spain at Australia. At sa hapon ay ang 52 Tuesdays at sa gabi naman ay mapapanood ang Kumu Hina mula sa bansang Amerika at Breaking Free ng India.
Mapapanood naman ngayong araw, Oktubre 8, 2:00 p.m. ang Filipino LGBT Short Films mula sa bayan ng Pampanga, Zamboanga, Cebu, at Manila. Sa hapon naman ay ang pelikulang Grace mula sa Israel at Open ng Myanmar. Sa gabi naman ang Shunned mula sa Pilipinas at Amerika na pagbibidahan ni Janice Villarosa at sa last full show ay ang Esoterika Maynila mula sa Pilipinas na pagbibidahan ni Ronnie Liang.
Bukas, Oktubre 9, 2:00 p.m. ay mapapanood ang #PiQCity ni Nick DeOcampo ng Pilipinas; susundan ng El Hombre Nuevo/The New Man ng bansang Uruguay, Chile, Nicaragua na nanalong best documentary, Teddy Awards at Berlin Film Festival 2015; Dressed As A Girl sa gabi, at Eat With Me ng bansang Amerika sa LFS.
Sa Sabado, Oktubre 10, 2:00 p.m. ay mapapanood naman ang Alimuom ng Kahapon mula sa Pilipinas; sa hapon ang Limited Partnership ng bansang Amerika at Australia at sa gabi ang Baby Steps ng Taiwan at Amerika at LFS naman ang We Came To Sweat mula sa bansang Amerika.
At sa Linggo, Oktubre 11, 2:00 p.m. ay mapapanood ang Pinoy Transking mula sa bansang Pilipinas; sa hapon ang Esprit de Corps (Pilipinas), at sa gabi angStories of our Live ng Kenya, South Africa at nanalong Jury Prize, Teddy awards at Berlin Film Festival 2015 at sa full show naman ang Nasty Baby ng Amerika at Chile at nanalo ring Best Fim, Teddy Awards sa Berlin Film Festival 2015.
In fairness, may natira naman palang sinehan para mapanood ang mga kalahok saPink Film Festival na sponsored ng Pride Council, MTRCB, Gateway Cineplex 10, Center for New Cinema, Quezon City Future Perfect at iba pa.
Ang festival committee ay binubuo nina Soxie Topacio, Nick Deocampo, EJ Ulanday, Janjan Esteva, Barbie Seo, at Dindi Tan.
FACT SHEET – Reggee Bonoan