Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PBA Hoops for a Cause sa Cuneta Astrodome

100715 Samboy Lim PBA hoops cause
ISANG exhibition game ang nakatakdang gawin sa Biyernes, Oktubre 9 sa Cuneta Astrodome simula alas-siyete ng gabi upang makalikom ng pera para sa pagpapaospital ng dating PBA superstar na si Samboy Lim.

Maghaharap ang Grand Slam Team na binubuo ng 1996 Grand Slam Alaska Aces at ang 2014 Grand Slam champions Purefoods Star Hotshots kalaban ang mga dati at kasalukuyang superstars ng Barangay Ginebra San Miguel.

Makakasama sa Grand Slam Team sina Jojo Lastimosa, Johnny Abarrientos, Rene “Bong” Hawkins, Edward Juinio, Alvin Patrimonio, James Yap, Marc Pingris, Peter June Simon, Mark Barroca, Alex Mallari, Rafi Reavis at Justin Melton.

Ang Ginebra team naman ay bubuuin nina Marlou Aquino, Allan Caidic, Noli Locsin, Vince Hizon, EJ Feihl, Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand, LA Tenorio, Japeth Aguilar, Greg Slaughter, Chris Ellis, Sol Mercado at Joe Devance na dating manlalaro ng Star.

Mabibili na ang mga ticket sa Ticketnet sa ticket booth ng Smart Araneta Coliseum.

Samantala, inanunsiyo ng ilang mga alumni ng Letran na ang mga kikitaing tiket sa laro ng San Beda at Letran sa NCAA mamaya sa San Juan Arena ay para rin sa pagbayad ng pagpapagamot kay Lim na naglaro sa Knights noong 1982 hanggang 1985. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …