Binabati ko ang lahat ng bumubuo sa samahan ng “Klub Don Juan de Manila” (KDJM) sa matagumpay nilang pakarera ngayong taon na naganap sa pista ng Metro Turf sa Malvar, Batangas. Congrats sa kanilang presidente na si Ginoong Jun Almeda.
Para sa resulta ng tampok na pakarera ng KDJM ay hugandong nagwagi sa grupo ng Juvenile Colts ang kabayong si Underwood na pinatnubayan ni Jesse Guce, sa Juvenile Fillies naman ay lumabas na ang buti ng kabayong si Port Angeles na mahusay na nirendahan ni Mark Alvarez.
Sa KDJM Golden Girls Stakes ay bumanderang tapos ang kabayong si Silver Sword na sinakyan ni Pao Guce, sa karerang iyan ay abangan at paglaanan natin ang mga susunod na takbo ng nakalaban niyang si Eugenie na dinala naman ni John Alvin Guce.
Sa pinakatampok na takbuhan ay halos banderang tapos din ang kalahok na si Miss Brulay ni Kelvin Abobo, magkagayon pa man ay maraming BKs ang hindi nakuntento sa naipakitang takbo ng mga nakalaban niyang sina Court Of Honour at Dikoridik Koridak.
Ang mga may tibay na suportahan ay sina Neversaygoodbye, Jarred Skywalker, Precious Jewel, Orient Pearl, You Are The One, Hep Hep Hooray, Blue Angel, Apo, Miss Malapia, Allbymyself, Eye Catcher at Galing From Afar. (OCT/06-17/2015)
REKTA – Fred Magno