Ang plakeng natanggap ay para sa Largest Attendance For A Film Screening atLargest Attendance For A Film Premiere para sa Felix Y. Manalo movie na produced ng Viva Films na idinirehe naman ni Joel Lamangan.
Ang mag-amang Viva bosses Vic Del Rosario at Vincent Del Rosario ang kasamang tumanggap ng Plaque bilang producers at sina INC representative KaEdwil Zabala, Bienvenido Santiago, Glicerio Santos Jr. at Glicerio Santos III.
Ayon sa taga-Guinness Records representatives, umabot sa 43,624 katao ang dumalo sa World premiere ng Felix Manalo na ginanap sa Philippine Sports Arena mula sa kabuuang 55,000 seating capacity.
Hawak dati ng documentary film na Honor Flight ang titulong Guinness World Record for Largest Attendance For A Film Screening na may 28,442 attendees noong Agosto 2012.
At ang pelikulang The Chronicles of Narnia: Prince Caspian ang may hawak ngGuinness World Record for Largest Attendance For A Film Premiere na umabot sa 10,000 ang dumalo sa premiere na ginanap sa 02 Arena, London, noong Hunyo 2008.
At ngayon ay ang Viva Films producers at ng Iglesia Ni Cristo na ang bagong may hawak ng record na tinanggap ang parangal mula sa Guinness Recordsrepresentatives.
Ang mga bidang sina Dennis Trillo at Bela Padilla ay nanginig ang mga kalamnan nang makita ang libo-libong taong dumalo sa nasabing grand premiere ng Felix Y. Manalo sa Philippine Sports Arena.
Samantala, mapapanood na ang pelikulang Felix Y. Manalo sa mahigit na 300 sinehan mula sa direksiyon ni Lamangan produced ng Viva Films at Iglesia Ni Cristo.
FACT SHEET – Reggee Bonoan