Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panis ang endorsement ni Erap

EDITORIAL logoWALA nang bisa o epekto ang endorsement ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada. 

Kung naniniwala man ang ilang politiko na makatutulong sa kanilang kandidutura ang endorsement ni Estrada, puwes, nagkakamali sila.

Ang palpak na administrasyon ni Estrada sa Maynila partikular na ang patuloy na ginagawa nitong pahirap sa mga maralitang tagalungsod ay sapat nang bata-yan para matakot ang mga politikong may paniniwalang makatutulong sa kanila ang gagawing endorsement ng convicted sa plunder na pangulo.

Ang political endorsement ni Estrada ay maituturing na isang “kiss of death.”  

Imbes manalo ang isang kandidatong inendorso ni Estrada, malamang matalo lang sa darating na halalan.

Tulad ni Sen. Grace Poe, hindi na siya dapat umaasa pa sa endorsement ni Estrada. Walang silbi ang kanyang basbas dahil imbes makakuha ng boto baka lalong makasira sa kanyang pagtakbo bilang pangulo.

Makabubuting iwasan na nila si Estrada.  Dahil kahit uugod-ugod na, sobrang switik pa rin lalo sa usaping politika. 

Dapat matauhan na si Poe at makitang ginagamit lang siya ni Estrada dahil wala siyang makukuhang pabor dito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …