Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam, may follow-up teleserye na!

051815 Sam Milby

00 fact sheet reggeeNAKAMIT ng Nathaniel Finale ang ratings na 42% noong Biyernes sa pangunguna ni Marco Masa na halos triple sa national TV rating ng katapat na programa na Marimar (17.4%), base sa datos ng Kantar Media.

Sadyang pinanood namin ang pagtatapos ng Nathaniel dahil gusto naming malaman kung paano napatay ng tatlong anghel na sina Sam Milby, Rayver Cruz, at Enchong Dee si Baron Geisler bilang si Tagasundo/Gustavo.

Nakakabitin kasi ang eksena nina Armen (Sam), Josiah (Rayver), at Eldon (Enchong) sa pakikipagbakbakan nila kay Gustavo dahil ilang araw silang nagte-taping tapos kaunti lang ang ipinakitang eksena.

Inisip namin na mas binigyan ng highlight si Nathaniel dahil siya mismo ang humarap at nakapatay kay Gustavo dahil siya nga naman ang bida.

May mga nagtatanong sa amin kung ano ang susunod na project ng tatlong anghel sa Dreamscape Entertainment.

Ang alam namin ay isang anghel lang ang may siguradong serye, si Sam dahil kasama siya sa Written In Our Stars with Toni Gonzaga, Jolina Magdangal, atPiolo Pascual na as of now ay hindi pa alam kung kailan ipalalabas.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …