Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gilas kikilatisin ang Lebanon

080615 gilas pilipinas fiba
IPAGPAPATULOY ng Gilas Pilipinas ang kanilang angas sa quarterfinals ng  28th International Basketball Federation (FIBA) Asia Championship for Men 2015 sa Changsha Social Work College Gymnasium Dayun sa Changsha City, Hunan Province, China ngayong araw.

Haharapin ng Group E No. 1 Gilas ang Lebanon na ranked No. 4 naman sa Group F para malaman kung sino ang sasampa sa semifinals.

Winalis ng Team Pilipinas ang tatlong asignatura sa Group E kung saan naging biktima nila ang Japan, 73-66 sa unang laro, isinunod ang powerhaouse Iran, 87-73 at huli ang India, 99-65 para sumampa ang nationals sa knock-out stage.

Nasungkit ng Lebanon ang No.4 spot sa Group F matapos patalsikin ang Jordan, 80-76.

Nakopo ng Iran ang No. 2, sa Group F nahablot ng China ang unahan sa Group F matapos talunin ang tatlong nakalaban.

Bukod sa Gilas at Iran sumampa rin sa knockout stage ang Japan at India habang sa group F ay ang Qatar at Korea.

Makakatapat ng Iran ang Korea habang haharapin ng India ang China at katunggali ng Qatar ang Japan.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …