Hindi naman kami magtataka kung umabot sa 46.1% ang ratings ng Ang Probinsiyano dahhil habang umeere ito noong Lunes ay marami ang nag-text sa amin na pinupuri nga nila ang aksiyon serye ni Coco Martin na naging dahilan para mag-lowbat kami (kasi hindi rin kami nakapag-charge) habang binabaybay ang Maynila.
Kahapon ng umaga namin nasagot ang mga nagte-text at sabi namin na mas kaabang-abang pa ang ikalawang linggo dahil malalaman na buhay pa pala si Ador (pulis-Maynilang napatay), pero ang totoo, si Kardo (sundalong probinsiyano) na ang nagpanggap.
Puring-puri ni Direk Malu Sevilla si Coco dahil sa apat na beses nilang magkatrabaho ay mas marami pa raw ipinapakita ang akor.
At inamin din ng direktor na nahirapan siya sa Ang Probinsyano na hindi rin naman nalalayo sa Juan de la Cruz.
“Magkaiba ang ‘Juan de la Cruz’ at itong ‘Probinsyano’, parehong aksiyon, pareho in that aspect.
“Ito kasing ‘Probinsyano’, hindi lang aksiyon, it’s not just a police story, it’s a family story, it’s a hero story and most of all, it’s a tribute to the King (Fernando Poe, Jr), so ‘yung pressure talagang nandoon talaga,” paliwanag ni direk Malu.
Dagdag pa tungkol sa acting ni Coco, “ang dami naming ina-adjust pa with consideration to how he was before and ano ‘yung ipakikita sa films. Ang dami naming iiwasan, kasi iba ang TV acting sa film acting, so marami talaga.”
FACT SHEET – Reggee Bonoan