Kuwento nga sa amin ng takilyera, pa-pull out na raw angHeneral Luna noong nakaraang linggo nang bigla itong humataw dahil sa word of mouth at pawang estudyante raw ang karamihang nanood.
Base naman sa balita namin ay umabot sa P88-M ang puhunan ng Heneral Luna at naka-P68-M na as of Friday, September 25.
Umaasa raw ang Artikulo Uno na producer ng pelikula na umabot sa P150-M para raw may pampuhunan sila para sa next project na Heneral Gregorio del Pilar na pagbibidahan naman ni Paulo Avelino na siyang gumanap sa Heneral Luna.
Kaya pala ilang beses ipinakita si Paulo bago magtapos ang pelikula.
FACT SHEET – Reggee Bonoan