Si Digong Duterte ba o ang pambansang pabebe wave ng AlDub?
Jerry Yap
September 26, 2015
Opinion
NGAYONG araw ay pupunuin daw ng isang milyong supporter ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang Quirino Grandstand. (Nagkataon na ito ay makakasabay ng ‘pambansang pabebe wave ng AlDub ng noontime show na Eat Bulaga).
‘Yan ay para manawagan umano kay Digong na ituloy niya ang kanyang pagtakbo bilang presidente.
Two weeks ago, pumutok din ang balita na magkakaroon daw ng 1-million march para kay Duterte.
Ang mga planong ito ay lumabas matapos magdeklara si Digong na hindi siya tatakbo sa panguluhan. Una dahil ayaw ng kanyang pamilya at ikalawa, naniniwala siyang sa kanyang edad ay hindi na kakayanin ng kanyang kalusugan ang napaka-strenuous na trabaho at tungkulin ng isang pangulo ng bansa.
Dahil kilalang may palabra de honor, malungkot man ay pinaniniwalaan at tinanggap ng kanyang mga tagasunod ang deklarasyon ni Duterte.
Pero mayroon palang ilang kulumpon ng mga tao, na gustong gamitin si Duterte, ang biglang nalungkot nang tanggapin ng kanyang mga tagahanga ang kanyang deklarasyon.
Kaya heto ngayon, nagpapambansang effort daw sila para isulong ang 1-million convincing power upang muling magdeklara si Duterte na lalaban siya sa panguluhan.
Kasama kaya sa 1-million convincing power na ito sina dating NFA Administrator Lito Banayo at ang katoto niyang si Raymond?!
At ang tanong, muli kayang mahikayat ng 1-million convincing po-wer na ito si Digong?!
Ang nakapagtataka lang, bakit ba masigasig itong grupo na gustong tumakbo si Duterte?!
Nakapangolekta na ba kayo?! ‘Este’ may nag-commit na ba sa inyo?
‘Yung may katawan na nga ang nagsasabi, hindi na kakayanin ng kanyang kalusugan ang ganyang klase ng tungkulin at responsibilidad, bakit pinipilit ninyong maitulak sa bangin ‘yung tao?!
Parang may naaamoy tayong malansa sa 1-million convincing power na ito…
Mukhang may nakapag-advance na yata…
Tsk tsk tsk…
O sige ito na lang, konting unsolicited advice lang para naman hindi kayo mapahiya…para mai-produce ninyo ‘yang 1-million convincing power na ‘yan, e maglagay kayo ng malaking screen sa Quirino Grandstand. Mga sampung malalaking screen at doon ninyo papanoorin ng “pambansang pabebe wave ng AlDub” ang mga tao.
Tiyak na tiyak, makukuha ninyo ‘yang isang milyon na ‘yan.
Mas nakahihiya naman kasi kung ilampaso ng “pambansang pabebe wave ng AlDub” ang 1-million convincing power ninyo para kay Duterte…
‘E talagang uuwi na ‘yan at tutulong na lang para i-hunting ang mga kidnaper ng Pinay at ng tatlong dayuhan.
By the way, naulinigan natin na nagtataka raw si Duterte kung bakit biglang nagkaroon ng KFR (kidnap for ransom) sa lugar nila…
Coincidences lang kaya ‘yan na ang ilan sa mga taong kinokombinsi siyang tumakbo ay dating madikit din sa taong kilala at matunog sa KFR group?!
Tsk tsk tsk …
Goodwill Money trending na naman ngayong ber-months sa Maynila!
‘Yan ang tiyak na raw na inaasahan ng karamihan ng maralitang vendors at mga ilegalista sa lungsod ng Maynila ngayon ‘Ber months.
Kalakaran na raw kasi sa Maynila na kapag mayroong mga bagong bida o opisyal ang isang unit sa MPD at City hall ay may manghihingi ng goodwill money muna bago ang maayos na cashunduan ‘este’ kasunduan para sa regular na tara ‘y tangga.
Seasonal ang paghingi ng goodwill money tuwing school opening at X’mas holidays.
Kadalasan, pagpasok pa lang ng Ber months e kung ano-ano na ang diskarteng inaatupag ng mga ‘bidang kolektong’ para makakuha ng goodwill money.
Gaya ngayon, isang alias ALEKS na nagpapakilalang taga-DPS at katiwaldas ng isang alias Letse ang bumabandera na agad sa Blumentritt vendors.
Ang estilo ni alias ALEKS ay tinatarahan ng 2k-5k ang mga vendors na bagong pasok sa kanilang listahan.
Isang kamoteng kolektong na alias ETAK-EBAK naman ang taga-ikot ng tarantadong ALEKS sa pangongolektong sa Blumentritt vendors.
Ang panakot pa ng mga ungas na ‘to sa mga vendor, walang latag kapag hindi pasok sa sistema ng organized kotong vendors.
No choice ang pobreng vendors kundi maghatag ng goodwill at tara para makapagtinda lang.
Sonabagan!!!
Yorme Erap, ‘di ba sabi mo isumbong sa ‘yo ang mga nangongolektong sa pobreng vendors?
Pwede bang sampolan mo ang mga hinayupak na ‘yan!
BABALA: CA bagong pinagnanasahan ni BI official
Ibang klase raw pala talaga ang bagsik ng libog ‘este’ libido ng isang official diyan sa Bureau of Immigration-OCOM.
Sa kabila raw ng napakataas na kartada ng kanyang present chikababes, ngayon naman daw ay kanyang pinupuntirya ang isang Confidential Agent (CA) na batang-bata at kung susumahin ay pasado na para maging apo rin niya!
Sonabagan!!!
Keri mo pa ba ‘yan, Tsong?!
Ang tindi talaga ng init mo sa katawan!
Dahil na rin sa sobrang pagnanasa ‘este’ type niya sa nasabing CA kaya naman hindi nakapagtataka na mabigyan niya ito ng special treatment. Dinala niya ito sa isang division na alam niyang magbe-benefit lalo kung mag-a-apply na ng permanent item sa Bureau.
No wonder simula nang magkamal ng kwarta dahil na rin sa kanyang posisyon, nasunod nitong si high ranking official ang kanyang mga luho ganoon na rin maging ang extravagant life-style ng kanyang mga kinalolokohang chikababes.
E sino naman daw ang nasabing ‘tadong official?
Aba bahala na kayong mag-guessing game guys!
Bilisan n’yo lang dahil kayo rin, baka pumuti na ang lahat ng buhok ninyo sa tagal manghula kung sino ‘yang opisyal na ‘yan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com