“Maraming ganoon, eh, sa pelikula, sa experience ko na hindi ako ’yung first, tapos ’pag napunta sa ’yo, nagiging maganda naman,” sabi ni Gabo.
Sa katunayan ay nagpapasalamat nga at sa kanya ibinigay ang papel na Ka Erdy dahil malalagay sa history ng pelikulang Filipino ang Felix Manalo na founder ngIglesia ni Cristo na nagsimula sa Pilipinas.
“Ako mismo, I like history and Felix Manalo is an icon sa mga Filipino just like San Lorenzo Ruiz. Eh, sabi ko, ‘Felix Manalo’ to be part of it, in fact, I was thinking, kung naging movie ito noon, it would be nice to be a part of it.
“Hindi ko akalain na ’eto na ’yung movie, and I am part of it. Ang galing,”nakangiting sabi pa.
Nabanggit ng aktor na pagdating sa pagtanggap ng proyekto ay inaalam muna niya ang materyal at ng ialok sa kanya ang pelikulang Felix Manalo ay kaagad na niyang tinanggap.
Hanggang-hangga ang aktor sa pagkakagawa ng pelikula ni direk Joel dahil sobrang binusisi at hindi tinipid sa production kasama na ang talent fees ng buong cast na hindi raw tinawaran kaya naman lahat ng kasama sa pelikula ay ang gaganda ng mga ngiti.
Bukod kay Gabby, kasama rin sa Felix Manalo movie sina Dennis Trillo, Bela Padilla, Snooky Serna, Gladys Reyes, Jaclyn Jose, Richard Yap at marami pang iba na umabot sa 7,000 extra produced ng Viva Films na magkakaroon ng advance screening sa Philippine Sports Arena sa Oktubre 4, Linggo, 7:00 p.m..
FACT SHEET – Reggee Bonoan