Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn at James Reid, may kilig factor; pinagsama sa Walk To Remember

092215 kathryn james reid

00 fact sheet reggeeTRENDING ngayon sa social media ang video na ginawa ng fan na hango sa pelikulang Walk To Remember na ang bida ay sina James Reid at Kathryn Bernardo.

Pinanood namin ang video at pawang mga film clip buhat sa mga pelikulang Diary Ng Panget (James at Nadine Lustre), She’s Dating A Gangster (Daniel Padilla at Kathryn), at mga seryeng Pangako Sa ‘Yo at On The Wings of Love na pinagdugtong-dugtong.

Kaso ang ginawang bida ay sina James at Kathryn na kunwari sila ang magkaka-eksena sa iisang pelikula.

May caption pang ‘risk’ at in fairness, may chemistry din sina James at Kathryn. Sabagay, hindi naman bago na para sa aktor ang bagong leading lady dahil magkahawig naman sina Kath at Nadine.

At nagulat kami sa mga komento dahil mismong mga supporter ng KathNiel ang nagsabing, “My god ano to! Bakit kinikilig ako! #SolidKathniel to! mula kay Mary Dy.

Galing naman mismo kay Criselda de Guzman ng New York City, “Ohhh my gooosh kinilig ako un my God.

Pero may mga loyalistang KathNiel tulad ni Chandria Pattinson, “no kath is fom DJ only.”

Maraming komento pa kaming nabasa na umabot na sa mahigit 100 at 60 shares ang video at 45 tweets.

Kaya kung sakaling pagsamahin sa pelikula sina James at Kathryn ay hindi na kami magugulat dahil tiyak na papatok ito base na rin sa reaksiyon ng fans.

Hmm, bakit hindi na lang pagsamahin ang KathNiel at JaDine sa iisang pelikula, tama ba Ateng Maricris? (Ay sure hit iyon ‘pag nagkataon—ED).

At ang background music ng nasabing video nina James at Kath ay ang awiting Cry ni Mandy Moore.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …