Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JM, hinamon ng suntukan si Enrique

092015 JM Jessy enrique
HABANG nagtitingin kami ng Instagram post ay nadaanan namin ang post ni JM de Guzman noong Sabado ng madaling araw, 12:30 a.m. na hinahamon si Enrique Gil.

Base sa post ni JM na naka-picture ang kalahati ng mukha niya at galit ang mga mata na nakatingin sa camera, “with all due respect to Enrique Gil’s friends, fans and family, I would like to challenge you to a one on one amateur mixed martial arts match any place, any time.  I’ll give you time to prepare.  Man up.  Face me (reply to my text messages please.) thanks brother @enriquegil17.”

Marami kaagad ang nag likes sa post ni JM na umabot sa mahigit 1,000 at inabot naman ng mahigit sa 300 comments na karamihan ay sinabing, ‘wag ka na bumalik sa dating IKAW JM, sayang ‘yung respeto at tiwala ng mga taong nagmamahal sa ‘yo.’

Tiyak na may kinalaman ang paghamong ito ni JM sa ginawa ni Enrique kay Jessy Mendiola na karelasyon pa noon ng aktor na binastos ni Quen habang bumibiyahe patungong London.

Wala si JM sa tabi ni Jessy noon dahil hindi siya nakasama sa Londo kaya’t si Luis Manzano ang nakatabi ng aktres na siyang nagtanggol din sa kanya.

Bagamat humingi na ng public apology si Enrique sa lahat ng taong nasaktan niya at nagawan niya ng hindi maganda ay hindi pa rin okay kay Jessy at maging kay JM kaya siguro naghamon siya dahil hindi pa sila nagkaka-usap tungkol dito.

Saktong 1:30 a.m. ay tinanggal na ni JM ang IG post niya na mabuti na lang at na-screen grab namin.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …