“The categorical answer about filmfest question is, yes, it is pushing thru but there will be changes. Changes that I am not allowed to mentioned because kailangan namin ng approval ng MMDA,” biting sagot ng TV host/actress.
At dahil nakatitig kay Kris ang Star Cinema executives ay hindi na niya itinuloy ang mga sasabihin pa.
Sabi na lang niya, ”muntik na nila akong hindi pinapasok (papuntahin sa presscon) today dahil sa kadaldalan ko dahil sa changes na ‘yun!”
Sa madaling salita, hindi na kasama si Bistek sa pelikulang Mr. and Mrs. Split?
“Sinabi ko categorically I’m still involved and I can speak for myself, my son is involved because I’m his legal guardian at nakapirma kami, but there will be addition to the cast and that’s it! Stop asking me! Mababawasan ang suweldo ko kung magsasalita pa ako!” natatawang sabi nito sa presscon.
Mapapanood na ang Etiquette For Mistress sa Setyembre 30 at sa unang pagkakataon ay simultaneous itong mapapanood sa key cities ng Silangan, Hilagang Amerika, at Europa.
FACT SHEET – Reggee Bonoan