Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JM, tuloy-tuloy pa rin sa All of Me, role na ginagampanan, mahalaga

091815 jm de guzman albert yen

00 fact sheet reggeeNAKAUSAP namin ang isa sa handler ng Star Magic artists sa presscon ng Etiquette For Mistress noong Miyerkoles ng gabi at kinumusta namin si JM de Guzmanna balitang tatanggalin na sa All Of Me.

“Okay naman siya, nagte-taping ngayon, so far okay,”kaswal na sagot sa amin.

Binanggit namin ang balita ng aming source na aalisin na ang aktor dahil laging late raw sa tapings at hirap gisingin.

“Wala naman sinabi, ang alam ko tuloy-tuloy naman, so far. ‘Yung tungkol sa late sa tapings, actually, late siyang magising, kaya nga sabi sa staff (‘All Of Me’), agahan ang paggising sa kanya o huwag siyang titigilan hangga’t hindi nagigising, mahirap talaga siyang gisingin,” pag-amin sa amin.

Kinumusta namin ang ginanap na meeting ni JM sa mga namamahala ng career niya sa Star Magic na sina Mr. Johnny Manahan at Ms Mariole Alberto kasama rin siABS-CBN Entertainment head, direk Laurenti Dyogi na siyang naka-discover daw sa aktor.

“Ay wala po kaming idea kasi hindi naman po kami kasama sa meeting, ‘pag mga boss lang wala kami at hindi rin naman sinasabi kung ano ang agenda,” maayos na sabi sa amin.

Hmm, sabagay, sabi rin ng aming source na maging ang mga executive ng All Of Me ay hindi rin kasama sa meeting at nakitang nasa labas sila ng opisina ni Mr. M.

Inisip namin na baka binigyan ulit ng tsansa si JM sa AOMat hindi na siya mawawala dahil importante at sa kanya umiikot ang kuwento ng nasabing serye kasama sinaAlbert Martinez, Yen Santos, at Aaron Villaflor na idinidirehe ni Dondon Santos.

At isa pa Ateng Maricris, hindi talaga puwedeng mawala si JM sa All Of Me dahil si Albert ay magko-concentrate na sa FPJ’s Ang Probinsiyano na magsisimula na sa Setyembre 28 bilang tatay ni Arjo Atayde na kontrabida naman ni Coco Martin.

Kaya technically, sina JM at Aaron talaga ang magkaribal kay Yen.

Naku, JM huwag kasing matulog ng sobrang himbing para magising ka ng maaga at hindi ka ireklamong pasaway.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …