Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiza, pinagpahinga muna raw sa ASAP20 (Dahil sa pagkakasama sa Princess in The Palace ng TAPE)

033015 Aiza Ryzza Mae

00 fact sheet reggee“PINAGPAHINGA muna siya,” ito ang saktong sinabi sa amin ng taga-ABS-CBN tungkol kay Aiza Seguerra na hindi na siya mapapanood sa ASAP20 pagkatapos ng London show.

Ang dahilan ng pagpapahinga ng singer/actress ay, ”kasi tumanggap siya ng show with Ryzza (Mae) na itatapat sa ‘Ningning’.

“Eh, ang production ng may hawak ng ‘Ningning’ ngayon, siya ring production na may hawak ng ‘Be Careful With My Heart’, remember?

“Hindi ba’t muling gumanda ang career ni Aiza sa ‘Be Careful’ as Kute? Tanda mo?”

Ayy, may ganoon isyu? In fairness, sikat naman si Aiza nang kunin siya ng ABS-CBN.

Pero kaagad kaming kinorek, ”Reggee, aminin mo, matamlay na ang career niya that time, binuhay na lang ng ‘ASAP’ ang singing career niya lalo na noong napasama siya sa Sessionistas kaya nakapag-travel abroad at kung saan-saan pa, plus mas lalong uminit sa ‘Be Careful!”

At dahil nga rito ay sumama ang loob ng management ng Kapamilya Network kay Aiza.

Baka naman kasi gusto ni Kute este ni Aiza na magkaroon ng serye ulit tapos wala namang offer ang Dos sa kanya.

Alam mo na Ateng Maricris, pamilyadong tao na si Aiza so kailangan ng karagdagang kita.

At tumatanaw ng utang na loob si Aiza kasi TAPE ang nakadiskubre sa kanya, ‘di ba, Ateng Maricris?

Ang mabilis na tanong sa amin, ”Oo nga, saang network ba ulit sumikat si Aiza?”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …