Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

On the Wings of Love fever, suportado ng kalabang network!

043015 nadine james

00 fact sheet reggeeBONGGA dahil may On the Wings of Love fever na sa buong bansa dahil kapag palabas na ang kilig-seryeng ito nina James Reid at Nadine Ilustre ay pansamantalang tumitigil ang ikot ngJaDine supporters dahil talagang nakatutok sila sa nasabing programa at take note maging ang ibang taga-TV network ay nanonood din.

Kuwento nga sa amin, ”sana man lang may ganyan din kaming serye para naman kiligin din kami, kaso wala, eh, puro kaliwaan at galit sa puso ang tema ng programa namin, kaya nga ‘pag news na lang ako nanonood, ‘pag serye sa ABS (CBN).”

At sa episode noong Miyerkoles (Setyembre 9) ay nakamit ng JaDine ang rating na 22.9% kompara sa katapat na programa ngGMA na My Faithful Husband na 14.1% lang.

Hayun, ito pala ‘yung sinasabi ng kausap naming taga-GMA na kaliwaan at galit sa puso ang tema. Hindi kasi namin napapanood ang MFH kaya wala kaming idea sa takbo ng kuwento. Oo, mabigat ang istorya kung ikukompara mo nga naman sa On The Wings Of Love.

At dahil sa On The Wings Of Love fever ay nakakuha ng mahigit 1.7 milyong mentions ang hashtag na #OTWOLMostKiligNight sa Twitter, dahilan para maging bahagi ito ng worldwide at nationwide trending topics ng microblogging site.

Samantala, base sa episode ng OTWOL noong Huwebes ay may gustong pag-usapan si Lea (Nadine) na pinigil ni Clark (James) kaya ang tanong, kailan aaminin ng dalawa ang tunay nilang nararamdaman?

Baka naman kasi ang pangako nila kay Jack (Cherry Pie Picache) at Jigs (Albie Casiño) ang pumipigil para hindi nila maamin sa isa’t isa ang tunay na nararamdaman?

Para sa karagdagang impormasyon kaugnay ng programa, bisitahin lamang ang official social networking site ngDreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …