Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ella Cruz, super mega na-insecure sa baguhang si Taki

091115 taki

00 fact sheet reggeeHINDI namin babanggitin kung sino kina Kiray Celis at Ella Cruz ang insecure sa bagong pasok na batang aktres sa #ParangNormalActivity na napapanood sa TV5 na nangangalang Taki na alaga ni Mr. Tony Tuviera ngTAPE.

Nabanggit sa amin ng taga-TV5 na noong bagong pasok daw si Taki ay kaagad siyang pinagkaguluhan ng boys na sina Shaun Salvador, Andrei Garcia, at Paolo Ryle Santiago dahil siyempre baguhan kaya mega-dikit to the max ang tatlong guwapitong cast ng#ParangNormalActivity.

Pero bago pa man napasama si Taki sa nasabing horror/comedy serye ay crush na siya ni Paolo Ryle at matagal na silang magkakilala.

Habang nagte-taping daw ay napansin ng mga taga-production na isa kina Kiray at Ella ang nakasimangot at nagdayalog ng, ”hmp, dumating lang ‘yan (Taki), hindi na ako napansin? Nawala na ang atensiyon sa akin.”

Naloka ang mga nakarinig pero dinedma nila ang narinig nila dahil baka nagbibiro lang daw, pero hanggang matapos daw ang taping at nag-uwian na ay busangot ang isa kina Kiray at Ella.

Susme, isa lang ibig sabihin, super-mega-insecure ang aktres na nagpahayag nito dahil mas maganda sa kanya si Taki na half Filipina at half Japanese.

Ikaw Ateng Maricris, knows mo ba kung sino ang tinutukoy naming insecure, si Kiray o si Ella?

Anyway, nalaman din namin sa taga-TV5 na aprubado na ng management hanggang Season 3 ang#ParangNormalActivity at ang  LolaBasyang.com kaya tuloy-tuloy ang trabaho ng buong cast.

Loaded daw sa commercials ang dalawang shows bukod pa sa positibo ang feedbacks mula sa viewers at advertisers.

Bongga, sana lahat ng programa ng TV5 ganito at hindi agad-agad ipinu-pull out.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …