Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nanay ni Elha, maganda rin ang boses

090115 Elha bamboo

00 fact sheet reggeeNAPANOOD kong nag-guest si The Voice Kids 2 grand champion, Elha Nympha sa Umagang Kay Ganda, Ateng Maricris kasama ang nanay niyang si Ginang Lucy Nympha na halatang mga bagong gising pa dahil knowing ang call time ng UKG ay super aga talaga.

Bale ba, nag-guest din si Elha kinagabihan (Martes) sa Aquino and Abunda Tonight at pinakanta ang bagets ng kanyang winning song ni kuya Boy na talagang hangang-hanga sa kanya.

Sa UKG ay muling pinakanta si Elha ng Ikaw Ang Lahat Sa Akin ng live, good thing bata pa siya kaya kering-keri pa niya ang mataas na nota maski na puyat at sigurado kami, pagkatapos ng UKG ay may pupuntahan pa siya.

Kung hindi kami nagkakamali simula noong Linggo na nanalo si Elha ay hindi pa siya masyadong nakakapagpahinga dahil kinabukasan ay nag-guest siya sa It’s Showtime at pinakanta rin ng live.

Sana huwag masyadong ngaragin ang bagets at bigyan ng sapat na pahinga, ‘di ba ateng Maricris dahil baka magkasakit at hindi naman niya ma-enjoy ang mga napanalunan niya.

At nagulat kami dahil maganda rin pala ang boses ng nanay ni Elha na si ginang Lucy at talagang hiningan siya ng sample ng UKG hosts na sina Amy Perez, Bernadette Sembrano-Aguinaldo, Atom Araullo, at Ariel Ureta na kumanta ng Di Ba’t Ikaw ni Jessa Zaragoza.

Tinanong kung si nanay Lucy ang nagturo kay Elha kumanta at napaka-humble ng sagot, ”nagkakanta-kantahan din po.”

Pansin nga namin na mabait na bata si Elha at wala kaming nakitang ‘yabang factor’ at ni minsan hindi siya nagmintis sumagot ng ‘po at opo’ na ibig sabihin ay maganda ang pagpapalaki ng magulang niya.

Another puyat na naman si Elha dahil kinunan ang concert ng The Voice Kids 2 sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila at ie-ere naman sa Sabado, Setyembre 5.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …