“Sobrang nagpapasalamat po ako sa lahat ng tumulong para manalo si Ehla, sobrang saya po talaga namin. Talagang pinagbuti po ni Ehla lahat ng makakaya niya ibinigay po niya, talagang pinaghandaan po niya.”
Base sa panayam ng UKG kay Aling Luz ukol sa kung magtitinda pa rin sila ng banana cue, ”kung puwede po sana,” seryosong sagot ng proud mother ni Ehla.
At nang si Ehla na ang tanungin kung nakaramdam siya ng kaba habang kinakanta niya ang winning song na Ikaw Ang Lahat Sa Akin, ”sobrang kinabahan po ako kasi po siyempre performance po iyon. Pero mas kinabahan po ako sa announcement po kasi siyempre hindi ko pa po alam kung sino ang mananalo,” masayang sabi nito.
Sa tanong kung anong gagawin ni Ehla sa napanalunang P1-M, ”wala po, iipunin ko po iyon para kung may kailangan kaming bilhin o sakuna po, iyon po gagamitin po namin.”
At sa tanong kung magtitinda pa rin ng banana cue si Ehla, ”opo, balak ko pong magtayo ng restaurant na may banana cue po,” mabilis na sagot ng bagets.
Hindi raw iiwan ni Ehla kung saan siya nagsimula, kaso paano na kung lilipat na sila ng tirahan, paano na ang mga kapitbahay niya na nagkaisang tumulong sa kanya simula umpisa para makarating siya kung nasaan man siya ngayon?
At ang komento naman ng coach ni Ehla na si Bamboo, ”sobrang masayang-masaya ako para sa kanya, look at her smile, the voice to backed it up, the voice to backed it up, amazing talaga. We worked well, madali siyang turuan, madali siyang kausapin. She has a good heart, good kid, the people around her are good people, as well, her mother. That’s a sign of good things at all.”
At kung kinakabahan si Ehla habang nagpe-perform sa entablado ay mas kabado si coach Bamboo, ”I was nervous, kinakabahan ako, mas kinakabahan ako sa sasabihin ko what to tell the people. I’m happy at all, I was emotional (ng nasa stage).”
FACT SHEET – Reggee Bonoan